Mukhang ang 2021 talaga ay ultimate year para sa jowa reveal! Kamakailan lang, ibinahagi ng “Queen of All Media” na si Kris Aquino na engaged na siya! Ang lalaking bumihag sa kanyang puso ay walang iba kundi ang former Department of Interior and Local Government Secretary Mel Sarmiento.
Ayon kay Kris, nakilala niya si Sec. Mel sa pamamagitan ng kanyang pumanaw na kuya na si P-Noy. At mukhang hindi lang si Kris ang niligawan ni Sec. Mel, dahil maging ang mga anak nitong si Bimby at Kuya Josh ay botong-boto sa husband-to-be ng kanilang ina.

Read More: “Squid Game” Star Wi Ha-Joon, Nag-React sa Halloween Costume ni Darren Espanto!
Ngunit nagkomento naman ang kolumnistang si Cristy Fermin tungkol sa love life ni Kris. Hirit ni Cristy, dapat ay hindi isapubliko ni Kris ang kanyang relasyon. Sa programa nitong ‘Cristy Ferminute,’ ipinahayag ni Fermin na masyadong bunyag si Kris sa kanyang relasyon ngayon.
“Kasi nga, noon pa naman e, ‘di ba, kahit naman sabihin niya na, ‘No, I’ll keep it to myself na lang’. Pero hindi e, lalabas din niya. Alam kaya ni Ginoong Sarmiento kung ano ‘tong pinasok niya?’Wag buhos-buhos, kasi diyan laging nasisira ang pakikipagrelasyon ni Kris, ‘pag nagiging masyado nang pampubliko.”

Dagdag pa ni Cristy, maaaring overwhelmed lamang si Kris dahil bago pa ang engagement nila ni Sec. Mel. Ngunit kahit pa daw nasa honeymoon phase pa ang dalawa, dapat ay hindi ipinapangalandakan ni Kris ang relasyon niya sa social media.
“Ibigay na lang natin sa kanya ‘yung pagkakataong ito tutal ‘in lovey’ siya. Alamin na lang natin kung ano ang susunod na kabanata. Ibinigay na natin sa kanyang tutal IG niya naman ‘yan e. Ba’t ba natin pinakikiaalaman? Pero tama yung sinabi mo at payo ng ating mga kababayan. Sana konti-konti lang ang patikim,” dagdag pa ni Fermin.

Read More: Jane de Leon, Nag-Abot ng Tulong sa Food Panda Rider na Nag-Aalaga ng Anak Habang May Duty!
Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment