Noong October ay naging usap-usapan ang aktor na si Jake Cuenca matapos itong masangkot sa isang insidente. Nasangkot ang Kapamilya actor sa isang car chase at pinagbabaril ng mga naka-sibilyang pulis ang kanyang SUV. Ayon sa report ng PNP, nabangga ng aktor ang unmarked vehicle na ginamit ng mga pulis para sa kanilang operatiba.
Natamaan naman ng mga bala ang SUV ni Jake. Dahil sa insidente ay sugatan rin ang isang delivery rider na nasa area noong mga oras na iyon. Isang Grab driver ang tinamaan ng ligaw na bala mula sa mga pulis. Agad namang isinugod sa ospital ang rider upang mabigyan ng paunang lunas ang injuries nito.


Read More: “Squid Game” Star Wi Ha-Joon, Nag-React sa Halloween Costume ni Darren Espanto!
Ilang linggo matapos ang insidente ay binisita naman ni Jake ang delivery rider sa ospital. Sa kanyang official Instagram page ay naglaan ng taos-pusong mensahe ang aktor para sa Grab driver. Pinasalamatan ni Jake ang mga taong naging tulay upang makilala niya at personal na mabisita ang biktima.
“Masaya ako na nagkaroon ako ng pagkakataon na madalaw si Eleazar Martinito, ang Grab driver na nasaktan sa isang insidenteng hindi ko malilimutan. Tapos pusong pasasalamat sa mga pulis na tumulong sa iyo at naging tulay para makilala kita. Labis ang aking pasasalamat sa Panginoong Diyos na nasa maayos na kalagayan ang iyong pamilya,” saad ng aktor.

Sa kanyang nakaraang pahayag, ibinahagi ni Jake na labis siyang na-trauma sa engwkentrong iyon. Hindi niya rin daw alam na miyembro pala ng Philippine National Police ang mga operatiba dahil nakasuot ito ng pang sibilyan. Natakot lamang siya para sa kanyang buhay kaya nagawa niyang tumakbo.
“It was very traumatizing. I’ll be very honest na I think yung hindi nasasabi minsan kasi, in the middle of the car chase, in the middle na hinahabol ako ng unmarked cars and pinagbabaril ako ng.. at that point, I didn’t know they were undercover cops. I thought they were shooting for me,” dagdag pa ni Jake.
Read More: Jane de Leon, Nag-Abot ng Tulong sa Food Panda Rider na Nag-Aalaga ng Anak Habang May Duty!

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment