Ellen Adarna, Hindi Mapigilan ang Tawa Matapos Mahuli ang Ginagawa ni Elias sa Banyo!

Talagang napakabilis ng panahon! Parang kailan lang nang isilang ng sexy actress na si Ellen Adarna ang kanyang baby boy kay John Lloyd Cruz na si Elias Modesto. Ngayon, sino nga bang mag-aakala na tatlong taong gulang na si Elias? At habang lumalaki siya, talagang mas nagiging kapansin-pansin ang pagkakahawig nito sa kanyang ina.

At habang lumalaki si Elias ay mas lalo rin itong nagiging makulit. Sa katunayan, kamakailan lang ay napa-face palm na lang ang kanyang ina matapos makita ang ginawa ni Elias!

Noong October 21, 2021, ibinahagi ni Ellen ang nakakatawang encounter kung saan pinaglaruan ni Elias ang make up concealer ni Ellen.

Read More: Raymond Gutierrez, Labis ang Pasasalamat Matapos Maka-Survive sa Car Accident sa Los Angeles

Ayon sa aktres, nagtaka sila dahil biglang tumahimik si Elias sa banyo. Nang silipin niya ito, nagulat na lamang siya nang makitang nababalutan na ito ng concealer sa katawan! Dinampot niya ang make-up at bigla na lamang itong ipinahid sa kanyang dibdib at tyan. Hindi naman mapigilang matawa ni Ellen sa itsura ng kanyang baby boy.

“His first encounter with a concealer. Sorry miks hahaha,” pahayag ng Cebuana actress sa Instagram. Agad naman itong umani ng iba’t-ibang reaksyon mula sa mga fans at sa fellow celebrities ni Ellen.

Sa kabilang banda, maraming netizens naman ang labis na naaliw sa videong ito ni Elias Modesto. Ayon sa kanila, talagang napakabilis nga ng panahon at napakalaki na rin nito! Hindi rin mapigilang mag-komento ng iba na parang pinagbiyak na bunga si Elias at ang kanyang mommy na si Ellen.

Dagdag pa ng ibang netizens, mukhang may potential si Elias na maging vlogger sa hinaharap. Nag-request rin sila kay Ellen na i-feature si Elias sa susunod na makeover vlog sa kanyang Youtube channel. Silipin ang iba pang mga komento ng netizens dito:

“That side smirk is the winner! Grabe ka cute. and how does he know about body make up? Next time teach him how to contour so he has 8 packs like daddy.”

“How can you not forgive with that cutie face.”

“Bata pa lang may potensyal na! Next time Ellen isama mo si Elias sa make up tutorial mo sa Youtube.”

Read More: John Regala, Muling Kumakatok sa Puso ng mga Kaibigan sa Showbiz Matapos Ma-Ospital ng Halos Isang Buwan

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment