Cristy Fermin, Tinawag na 'Hitad' si Nadine Lustre at 'Lalaking Di Mabenta-Benta ang Bahay' si James Reid!

Umarangkada na naman ang pagiging ‘Marites’ ng beteranong columnist na si Cristy Fermin. ‘Marites’ ang tawag ng mga netizens sa mga taong tsismosa at laging naka-abang sa kaganapan ng mga celebrities. Kamakailan lang, inulan ng batikos si Cristy Fermin matapos ibody-shame ang aktres na si Nadine Lustre.

Sa kanyang programang ‘Cristy Ferminute,’ pinuna ni Fermin ang pagiging ‘hitad’ di umano ni Nadine. Nag-react siya sa viral na larawan ng young actress, kung saan makikita siyang bumibili sa palengke habang naka-shorts at bikini. Ayon kay Fermin, dapat ay magdamit ng maayos si Nadine upang hindi ito ma-body shame.

Read More: Fans, Kinilabutan sa Labis na Pagkakahawig ng Pumanaw na Actor na si Rico Yan sa Pamangkin Nito!

“Si Nadine pumapa-show sa Siargao. Lakad nang lakad, rampa nang rampa na naka two-piece. Ewan ko kung bakit ayaw niya magdamit. Tapos ngayon nagiging sentro siya ng body shaming. Ikaw na hitad ka, ayaw mo magdamit. Pa-show ka nang pa-show kahit saan. Bibili ka lang ng litson, ng sarsa, kitang-kita buong katawan mo,” pahayag ni Fermin.

Ngunit hindi lang si Nadine ang hindi nakaligtas kay Fermin. Maging ang ex-boyfriend nito na si James Reid ay nadawit rin sa kanyang tirada. Tinawag ni Fermin si James Reid na ‘lalaking ‘di mabenta benta yung bahay.’ Matatandaang nasa market na ang bahay ng aktor sa Quezon city.

“Yun daw pagiging liberated niya (Nadine Lustre), impluwensiya daw sa kanya yaan nung lalaking ‘di maibenta benta yung bahay ‘di ba, si James Reid. Nag-umpisa sa 88M ‘yun, 82 na lang, magiging 72 na ‘yan. Sa panahon ngayon, sino ang bibili ng ganyang kamahal na bahay, no? Nakakaloka,” dagdag pa ni Fermin.

Sa kabilang banda, inulan naman ng batikos si Fermin dahil sa kanyang pahayag. Maging ang aktor at singer na si JK Labajo ay hindi mapigilang mapa-comment dahil sa below the belt na tirada ni Fermin laban kay Nadine.

Read Also: Lolit Solis, Umalma sa mga Nagsasabing Mahina Siya Dahil Di Natunugan ang Pagbubuntis ni Elisse!

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment