Matapos siyang i-bodyshame ng aktor na si Albie Casino, ibinahagi ni Andi Eigenmann ang bagong figure niya ngayon! Maraming fans ang namangha sa bagong transformation ni Andi. Kahit ilang buwan pa lang ang lumipas simula nang manganak siya ay talagang malaki na ang ipinagbago ng katawan ng Siargao-based celebrity mom.
Matapos manganak ay agad ring bumalik sa kanyang fitness journey si Andi. Bukod sa tamang diet, mayroon din itong sinusunod na workout routine at exercise.
Pursigido si Andi na maibalik ang kanyang pre-pregnancy bod, kaya naman todo effort din siya. Dahil dito, hindi na nakakapagtaka kung bakit mabilis siyang nag-transform.


Read More: “Squid Game” Star Wi Ha-Joon, Nag-React sa Halloween Costume ni Darren Espanto!
Sa loob lamang ng ilang buwan ay nagawang magbawas ng timbang ni Andi. March 2021 siya nag-umpisa, at nitong nakaraan lang ay ibinahagi niya ang kanyang progress. Mula sa kanyang timbang na 75 kilograms, 59 kilos na lang ngayon si Andi! Nabawasan rin ang kanyang waistline at ngayo’y 29 na lamang ito.
“Finally eased back into our old healthful ways. I did not expect it to be this much of a struggle, given that’s always what we’ve been about. But it really is about having the right mindset! Indeed, the greatest medicine is to teach people how not to need it,” pahayag ni Andi sa Instagram.

Matatandaang nitong nakaraan lamang nang i-bodyshame siya ng kanyang ex-boyfriend na si Albie Casino. Ayon kay Albie, bumisita ang mga kaibigan niya sa Siargao at nakita nila doon si Andi. Ibinalita rin daw ng kanyang mga kaibigan na tumaba na si Andi, malayo sa dating katawan nito.
Ani Albie, hindi niya mapigilang matuwa matapos malaman na tumaba pala ang kanyang ex-girlfriend.
“My friends just saw her in Siargao and they said she’s super fat, so that makes me super happy. I don’t know if that’s bad of me. But it brings me joy to know she gained a lot of weight now. It’s funny because after I get out, I want to go to Siargao after but she’s there. It ain’t a thing. I don’t mind,” pahayag ni Albie.


Read More: Jane de Leon, Nag-Abot ng Tulong sa Food Panda Rider na Nag-Aalaga ng Anak Habang May Duty!
Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment