"May madaanan lang ako, nasasampal ko"- Baron Geisler, Humingi ng Tawad sa mga Bading na Nasaktan Niya Noon

Taos-pusong humingi ng patawad ang aktor na si Baron Geisler sa kanyang mga nasaktan noon. Sa kanyang nagdaang interview, ibinahagi ni Baron na labis siyang nagsisisi sa mga taong nasaktan niya noong nalugmok siya sa alak at sa ilegal na droga. Kasama na raw dito ang mga miyembro ng LGBTQ community.

Ayon kay Baron, hindi lalagpas sa limang bakla ang kanyang nasampal noon. Kahit pa wala itong ginagawa sa kanya, sinaktan niya ito, bagay na labis niyang pinagsisisihan sa ngayon. Ibinahagi niya ito sa kanyang nagdaang mediacon para sa pelikulang “Barumbadings,” kung saan kasama niya sina Joel Torre at Jerical Raval.

Read more: “Diet talaga ako, nagbawas ako sa carbs!”- Jane de Leon, Naiyak Matapos Sukatin ang Costume ni Darna

“This is the best time to make amends to those I’ve hurt during the time that I was a very bad boy, barumbado. May madaanan lang akong bading, nasasampal ko sa mukha. Wala pa naman lagpas lima, siguro nasa tatlo. Kung sinuman kayo, sana po ay mapatawad niyo na ako. It’s not good to hurt anyone, psychologically, physically. It’s really bad,” pahayag ng aktor.

Dagdag pa ni Baron, noong nasa rehab na siya ay saka niya lamang na-realize ang kanyang kamalian. Nabuksan rin daw ang mata niya sa mga kalupitang ginagawa niya dati sa ibang tao. Kaya naman habang may oras pa, nais niyang humingi ng tawad sa mga taong nagawan niya ng pagkakamali.

Isa raw sa pinakamahalagang natutunan niya sa rehab ay ang paggalang sa kapwa. Natutunan niya ring maging mabuti sa iba, at matutong rumespeto sa mga tao sa paligid niya.

“Nung time na ‘yun kasi kasagsagan ko ng alak and drugs. Noong nasa loob ako ng rehab, isa ‘yan sa mga nag-hit sa kaluluwa ko, sa puso ko, sa utak ko. Nakuta ko ‘yung past mistakes ko, and I said, sobrang maling-mali talaga ‘yung ginawa ko. Hindi ‘yun dapat. Hindi ‘yun tama. Sorry from the bottom of my heart.”

Read More: Ogie Diaz, Pinagsabihan si Andrea Brillantes sa ‘Plastik’ na Pahayag Nito Tungkol sa Showbiz

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment