"You have no credibility"- Ogie Diaz, Nakatikim ng Maanghang na Salita Mula kay BB Gandanghari

May tirada ang talent manager at showbiz columnist na si Ogie Diaz laban kay BB Gandanghari. Mukhang may iringan sa pagitan ng dalawa. Sa vlog nito sa Youtube noong October 27, nagbigay ng payo si Ogie Diaz kat BB Gandanghari dahil sa di umano’y pakikisawsaw nito sa isyu ng pamangkin niyang si Kylie Padilla.

Ayon kay Ogie, hindi na dapat nagsesermon pa si BB tungkol sa isyu ni Kylie. Sa halip ay dapat mas mag focus si BB sa kanyang isyu. Kahit pa hindi niya ito binanggit, mukhang ang isyu ng di umano’y pang-a-out ni BB kay Piolo Pascual ang tinutukoy ni Ogie sa kanyang tirada.

Read Also: “May madaanan lang ako, nasasampal ko”- Baron Geisler, Humingi ng Tawad sa mga Bading na Nasaktan Niya Noon

“Siya talaga nagsabi noon? Dapat inadvise niya rin iyon sa sarili niya, ‘di ba? Paano ka naman pakikinggan? Siguro kung maririnig ito ng iba, si BB sinasabihan ang kaniyang pamangkin at si Aljur, itago na ang dirty linen. Sino ka, BB, para magsabi nang ganyan, kung ikaw nambubuko,” pahayag ni Ogie.

Sa kabilang banda, hindi naman umatras si BB Gandanghari. May sagot rin ito sa paratang sa kanya ni Ogie. Ayon kay BB, na kasalukuyang nasa United States, walang ‘credibility’ sa kanya si Ogie, at nagulat siya sa reaksyon nito dahil naturingang kumpare ito ng kanyang utol na si Robin Padilla.

Dagdag pa ni BB, hindi dapat makisawsaw si Ogie sa isyu ni Kylie. May karapatan din daw siyang magbigay ng payo sa kanyang pamangkin, lalo pa’t concern lang siya sa kalagayan nito matapos itong makipaghiwalay sa mister na si Aljur Abrenica.

“Honestly, you have no credibility to me, zero. Zero credibility. And, in fact, yung reaction mo na, ‘Ah, talaga? Talagang si BB nagbigay ng payo?’ Kung ikaw, bilang kumpadre sana ni Robin, dapat sana, kung ikaw ay level-headed person, you should’ve… sabihin mo, ‘Tama this time ang auntie niyo, makinig kayo.’ Pero hindi. Gusto mo kasi ng balita.”

Read Also: Matapos Gumastos ng P1.5M Para sa Billboard, Xian Gaza, Ini-Snob Lang ni Jennie Kim?

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment