Kilalanin ang Napakagwapong Aktor na Nagpapasaya Ngayon kay Jelai Andres

Mahigit isang toan na rin simula ng tuluyang maghiwalay ang couple na sina Jelai Andres at Jon Gutierrez. Ngunit imbes na magmukmok, mas pinili ni Jelai na igugol ang panahong ito upang mas makapagfocus sa kanyang sarili. Sa katunayan, naging matagumpay ang taong 2021 hindi lamang para sa career ni Jelai, kundi maging sa kanyang personal life.

Bukod sa kanyang mga business, nag-focus rin si Jelai sa kanyang booming acting career sa Kapuso network. Patuloy lamang ang paglabas ni Jelai sa iba’t-ibang programa at teleserye.

At bukod dito ay muli na naman siyang gumawa ng mga short films, kung saan ipinamalas ni Jelai ang kanyang creativity at galing sa pag-arte.

Read Also: “May madaanan lang ako, nasasampal ko”- Baron Geisler, Humingi ng Tawad sa mga Bading na Nasaktan Niya Noon

Para sa kanyang Halloween special, nakipag-collab si Jelai sa social media influencer na si Mika Salamanca at sa aktor na si Paul Salas. Nagsamasama ang tatlo para sa horror short film na “Sama Ka.” Sa pelikulang ito, love interest ni Jelai si Paul Salas. Agad namang napansin ng mga netizens ang chemistry sa dalawa!

Sa katunayan, may isang scene sa short film na talagang magpapabilis ng tibok ng puso niyo. Sa trailer, makikitang mayroon palang steamy scenes si Jelai at Paul. Kabilang na dito ang kahit hot kissing scene sa kusina, na talaga namang nagpakilig sa fans ng dalawa.

Ayon sa pa isa, mukhang bagay na bagay si Jelai at Paul. Bukod sa chemistry ng dalawa, hindi rin daw maitatanggi na mukhang masaya at komportable si Jelai sa aktor. Sa katunayan, maging ang kanilang mga TikTok videos na magkasama ay inuulan ng positibong komento sa social media.

Dagdag pa ng mga netizens, panahon na rin upang muling buksan ni Jelai ang puso niya sa pag-ibig. Matapos paulit-ulit na lokohin ng asawa niyang si Jon Gutierrez, ngayon ay panahon naman upang makahanap si Jelai ng lalaking mamahalin siya at hindi sisirain ang kanyang tiwala.

Read Also: Matapos Gumastos ng P1.5M Para sa Billboard, Xian Gaza, Ini-Snob Lang ni Jennie Kim?

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment