Kris Aquino, Hindi Makapaniwala sa First Kiss Nila ng Fiance na si Mel Sarmiento

Mukhang ang 2021 talaga ay ultimate year para sa jowa reveal! Kamakailan lang, ibinahagi ng “Queen of All Media” na si Kris Aquino na engaged na siya! Ang lalaking bumihag sa kanyang puso ay walang iba kundi ang former Department of Interior and Local Government Secretary Mel Sarmiento. Ibinahagi ni Kris ang kanilang engagement sa kanyang mga followers sa Instagram.

Ayon kay Kris, nakilala niya si Sec. Mel sa pamamagitan ng kanyang pumanaw na kuya na si P-Noy. At mukhang hindi lang si Kris ang niligawan ni Sec. Mel, dahil maging ang mga anak nitong si Bimby at Kuya Josh ay botong-boto sa husband-to-be ng kanilang ina.

Read More: Cristy Fermin, Tinawag na ‘Hitad’ si Nadine Lustre at ‘Lalaking Di Mabenta-Benta ang Bahay’ si James Reid!

“To my best friend and the man i said yes to spending the rest of my life with, thank you for as bimb said loving me for me, with no agenda, and for being just an overall good and patient man. It’s unreal how much more calm & peaceful i feel now that you’re here,” pahayag ni Kris sa kanyang heartfelt IG post.

Sa kanyang nakaraang vlog, ibinahagi rin ng dating aktres na hindi na niya pakakawalan pa ang lalaking minamahal niya. Kinilig ang mga netizens sa kanilang video, kung saan ibinahagi ni Kris na susuklian niya ang pagmamahal at pag-aalaga ni Mel hindi lang sa kanya, kundi sa kanyang mga anak.

“I really feel how much you love me. That’s why parang ang tanga ko na kung pakawalan pa kita. Ako madali sa akin mag-express ng sarili. I love you. I told you I love you with all my heart… For whatever’s left of my life, you have me,” saad ni Kris.

Dagdag pa ni Kris, nagulat rin daw siya sa ‘bold move’ ni Sec. Mel. Bigla na lamang daw siya nitong hinalikan, at labis siyang nawindang sa ginawa nito. “Because out of the blue he just kissed me. Parang sabi ko, ‘Ang lakas ng loob.’ For someone so shy, paano mo nagawa yun?”

Ayon naman kay Sec. Mel, labis na napasaya rin ni Kris ang buhay niya. Nag-celebrate ang dalawa ng kanilang first monthsary matapos pumanaw ang kapatid ni Kris na si P-Noy noong June 24.

Read More: Friends nga lang ba? Ivana Alawi, Nilinaw ang Kumalat na PDA Moment Nila ni Marco Gumabao

Anong masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment