Food Panda Rider na Nag-Uulam ng Sardinas Matapos Mag-Deliver ng Masarap na Pagkain, Viral Ngayon

Hindi madali ang trabaho ng mga delivery rider. Lalo na sa kalagitnaan ng pandemic, tinataya nila ang kanilang personal na kaligtasan para lamang kumita ng pera at makapag service sa kanilang mga customers. Bilang riders, isa sa mga layunin nila ay maihatid ang produkto nang mabilis sa kanilang mga naghihintay na customers.

Araw-araw ay hinaharap nila ang init at pagod sa daan para lamang makapag-deliver sa kanilang mga customers. Ngunit kadalasan, hindi naa-appreciate ng mga customers ang sakripisyo ng ating mga dakilang riders. Kamakailan lang, nag-viral sa social media ang larawan ng isang rider na ito.

Read Also: Andi Eigenmann, Balik Alindog na Matapos i-Bodyshame ng Ex-Boyfriend na si Albie Casino

Maraming netizens ang naantig sa kwento ng rider na ito na namataan sa gilid ng daan. Makikitang mayroong bike sa tabi nito. Itinabi niya muna sa gilid ng kalsada ang kanyang bike at inilabas niya ang kanyang baong pagkain. Agad agad naman siyang kumain sa gilid ng kalsada dahil wala na siyang oras na maghanap pa ng ibang lugar.

Nais niyang magkaroon ng lakas para sa kanyang trabaho. Hindi madali ang pagba-bike at pagpila sa order, kaya naman tunay na nakakahanga ang katatagan ng rider na ito.

Sa kabilang banda, may mga mabubuting loob rin ang nais na magpa-abot ng tulong sa masipag na rider. Ayon sa mga netizens, deserve niyang makatanggap ng kaunting suporta bilang gantimpala sa kanyang kasipagan.

Agad nag-viral sa social media ang larawan niya, at maraming netizens rin ang pumuri dito. Silipin ang mga komento nila dito:

“Saludo sa mga riders na gaya ni kuya! Sana man lang imbes na picturan lang tinulungan man lang siya. Sana lahat ng masusungit na customer makita to para malaman niyo paghihirap ng mga riders.”

“Napakasipag ni kuya. Proud na proud siguro sayo mga kapamilya mo dahil todo kayod ka.”

“Ito ang hindi natin nakikita tuwing nag-oorder tayo ng pagkain. Sana kahit konting tip man lang, malaking bagay na para sa mga riders.”

Read More: Coleen Garcia, Binalaan ang mga Netizens sa Contractor na Nang-Scam sa Kanila ni Billy!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang altest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment