"Hindi na po healthy"- Direk Bobet Vidanes, Naiyak Habang Inaalala ang mga Pinagdaanan Niya Dati sa Showtime

Kamakailan lang, ipinagdiwang ni Direk Bobet Vidanes ang kanyang kaarawan sa noontime show ng TV 5 na “Lunch Out Loud.” Sa official Facebook page ng programa, ibinahagi nila ang bonggang birthday celebration ni Direk Bobet. Hindi rin mapigilang maging emosyonal nito matapos alalahanin ang kanyang pinagdaanan sa kanyang former network.

Bago lumipat sa TV 5, mahigit isang dekada ring nagtrabaho sa ABS-CBN si Direk Bobet, partikular na sa “It’s Showtime.”

Ngunit ayon dito, simula ng umalis siya sa Kapamilya network mag-iisang taon na rin ang nakalilipas ay iniwasan niyang magsalita tungkol sa rason ng pag-alis niya.

Read More: Arci Munoz, Ipinasilip ang Hirap ng Kanyang Training Bilang Isang Army Reservist

“Baka di ko kayanin kasi never akong nagsalita after kong umalis sa ABS. Ang daming nagpaunlak sakin na baka pwedeng mag-explain ako, never kong ginawa,” saad ni Direk Bobet.

Hindi niya rin napigilang ang kanyang emosyon matapos alalahanin ang mga pinagdaanan niya sa kanyang dating trabaho.

“Yung pagta-trabaho ko po sa kabila, hindi na po healthy. Mamamatay po akong maaga, ang ganda nung programa pero it’s not healthy anymore. To make it short na lang, I’m here sa ‘Lunch Out Loud’ or any program, no pressure, ayan happy naman. It’s not about the money, it’s about health,” dagdag pa niya.

Matapos ang mahigit isang dekadang serbisyo, tuluyan nang iniwan ni Direk Bobet Vidanes ang kanyang home network na ABS-CBN.

Matatandaang noong Nobyembre 2020 lamang nang inanunsyo ni Direk Bobet na lilipat na siya ng network. Bago ito, ilang Kapamilya program na rin ang ginabayan niya, kabilang na ang sikat na noontime show na “It’s Showtime.”

Ngunit mukhang hindi lahat ay tanggap ang rason na ito ni Direk Bobet. Kabilang na sa kanila ang comedian at “It’s Showtime” host na si Vice Ganda. Ayon kay Vice, labis silang nabigla sa desisyon ni Direk Bobet. Sinubukan niya pa na mag-reach out dito, ngunit hindi na raw ito nagreply sa mga texts niya.

Read Also: Julia at Gerald, Nagbigay ng Relationship Advice sa mga Couples na Pareho ng Sitwasyon Nila

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment