'Mosang' na Netizen, Nag-Viral Matapos I-Message Sina Kylie at Aljur Upang Humingi ng Updates!

Maraming netizens ang naka-abang sa bagong kaganapan sa hiwalayan ni Aljur Abrenica at Kylie Padilla. Sa loob ng ilang buwan, inakala ng mga netizens na si Aljur ang dahilan ng hiwalayan ng dalawa. Ngunit isiniwalat ng aktor na hindi siya ang sumira sa kanilang pamilya, kundi si Kylie.

Sa kanyang statement, ibinunyag ni Aljur na si Kylie ang unang nagkaroon ng third party. Hindi man niya ito pinangalanan, pinahiwatig naman ni Aljur na di umano’y nagsasama na ngayon si Kylie at ang bagong boyfriend niya. Inudyok niya rin si Kylie na magsabi ng totoo sa publiko.

Read More: Marco Gumabao at Ivana Alawi, Viral Matapos Makitang Sweet na Sweet Habang Nagbabonding

Sa kabilang banda, maraming netizens naman ang curious kung sino ang di umano’y bagong boyfriend ni Kylie. May mga netizens na nagli-link kay JM de Guzman, matapos kumalat ang usap-usapan na mayroong namamagitan sa dalawa. Ngunit itinanggi naman ito ni Kylie.

Isa sa mga netizen na nacurious ay si Che Catapang. Ayon sa kanya, ayaw na niyang mapuyat pa sa kakahintay ng updates sa chismis na ito. Kaya naman siya na mismo ang nag-reach out kay Aljur Abrenica, Kylie Padilla, Robin Padilla, AJ Raval, at JM de Guzman.

“Hi Aljur. Di lang ako mapakali. Sino ba naman yung naging kalandian ni Kylie at niloko ka? Totoo rin ba na isang rason kung bakit kayo nagkahiwalay ay nagka anxiety attack siya, tapos iniwan mo siya? Wait ko reply mo ha, para makatulog ako,” pabirong message ni Che kay Aljur.

Kahit ni isa ay walang nag-reply sa kanya, naaliw naman ang mga netizens sa pakulong ito ni Che. Ayon sa kanila, talagang modern na ang mga mosang ngayon, dahil sila na mismo ang gumagawa ng paraan para makasagap ng tsismis.

Read Also: Aljur Abrenica, Nahuli Daw sa Akto si Kylie na May Kasamang ‘Mystery Guy’?

Anong masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment