"Pinagbintangan at kinapkapan ako"- Tekla, Ipinahiya ng Sales Clerk Matapos Pagbintangang Nagnakaw sa Convenience Store

Hindi mapigilang maging emosyonal ni Super Tekla habang inaalala ang kanyang karanasan sa isang convenience store. Noong October 16, ibinahagi ng “The Boobay and Tekla Show” host sa social media ang di umano’y pamamahiyang ginawa sa kanya. Ayon kay Tekla, naganap ang pangyayaring ito sa isang convenience store sa Quezon City.

Hinarang daw siya ng isang sales clerk bago siya lumabas, at pinagbintangan siyang nagnakaw ng item na hindi niya binayaran. Labis daw siyang napahiya, lalo pa’t pinagtitinginan siya ng ibang customers sa store. Kaya naman nilinaw niyang willing siyang magpakapkap para malaman ang totoo.

Read More: Lolit Solis, Nag-Public Apology Matapos Ipagkalat ang Pribadong Pangyayari kay Alex Gonzaga at Mikee Morada

“Hinarang ako ng saleslady after ko mabayaran yung binili ko may kinuha daw akong item. Sabi ko, ‘Are you sure ate?’ Napahiya ako daming tao, sabi niya kakapkapan niya daw ako then sabi ko, ‘Go ahead.’ Walang nakita sa akin, pina check ko ang resibo kumpleto bayad at yung binili ko.”

Binaba daw ni Tekla ang kanyang face mask, at doon na siya nakilala ng sales clerk. Agad daw itong nag-sorry, at umiyak pa ito sa harap niya upang mapatawad niya. Ngunit kahit pa nakakahiya ang karanasang ito ni Tekla, pinatawad pa rin daw niya ang clerk dahil maunawain siya at ayaw niyang mawalan ito ng trabaho.

“Pinagbintangan at kinapkapan mo ako ate, tapos ngayon iiyak ka at nagsosorry dahil nagkamali ka. Ang swerte mo ate at mabait at maunawain ako. Imbes na magalit ako, awa nanaig sa puso ko di biro yung pagbintangan ka magnanakaw pero sabi ko kung susundin ko ang galit ko tanggal siya sa work,” dagdag pa ni Tekla.

Nakiusap rin si Tekla sa mga netizens na wag basta basta manghusga ng kapwa dahil lang sa kanilang panlabas na kaanyuan. Malungkot daw siya dahil sa ginawang pambibintang sa kanya, kaya’t sana’y magsilbi itong aral sa ibang tao.

Read Also: Julia at Gerald, Nagbigay ng Relationship Advice sa mga Couples na Pareho ng Sitwasyon Nila

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment