Babaeng Na-Promote sa Trabaho, Binawian ng Buhay Matapos Lasunin ng Nainggit na Kaibigan

Sa panahon ngayon, dapat ay maging mapanuri at maingat tayo sa mga tao sa ating paligid. Dahil minsan, kung sino pa ang ating labis na pinagkakatiwalaan ay siya pa palang mangta-traydor sa atin. Ang mas nakakalungkot pa, kahit mismong kapamilya o kaibigan natin ay maaaring magbalak ng masama laban sa atin.

Kaya naman nararapat lang na kilatisin muna natin ang mga tao bago natin sila pagkatiwalaan. Dahil kahit maliit na gusot o problema lang ay maaaring pagsimulan ng malaking gulo. Gaya na lamang ng nangyari sa isang babaeng ito, ngunit huli na ang lahat nang malaman niyang peke pala ang kanyang kaibigan.

Isang nakakalungkot na pangyayari sa Congo ang nag-viral sa social media. Hindi nila aakalain na sasapitin ito ng biktima, na hindi na pinangalanan. Bago daw ito bawian ng buhay ay na-promote siya sa trabaho, ngunit hindi niya akalaing ito na pala ang magiging mitsa ng peligrong kakaharapin niya.

“She was poisoned by her best friend cause she got promoted at work. May god keep us safe from jealous and friendly enemies in Jesus name. Rest in peace my sister,” pahayag ni Crystal Jane Cosmas, na siya ring nagbahagi ng mga larawan sa burol ng biktima.

Ayon sa mga reports, binawian ng buhay ang babae matapos malason. Lumalabas sa paunang imbestigasyon na ang lumason dito ay ang kanya mismong kaibigan. Di umano’y nainggit ang kaibigan sa pagkaka-promote ng biktima, dahil matagal na silang magka-trabaho ngunit naunahan pa siya nitong ma-promote.

Dahil dito, plinano daw ng kaibigan na lasunin ang babae upang makuha ang posisyon nito sa kumpanya. Hindi naman nilinaw sa imbestigasyon kung ano ang lason na ginamit at paano niya ito ipinainom sa biktima. Sa kasamaang palad, binawian ng buhay ang babae dahil sa masamang balak ng kanyang kaibigan.

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment