"Desperado na ko"- John Wayne Sace, Ibinuking na Muntik na Siyang Mang-Holdap Dati

Naaalala niyo pa ba si John Wayne Sace? Kung ikaw ay 90s kid, malamang ay napanood mo na ang dating aktor na ito sa telebisyon. Siya rin ang dating katambal ng aktres na si Maja Salvador. Ngunit ilang taon lang ang nakalipas ay nawala rin sa mundo ng showbiz si John Wayne. Hindi nagtagal ay nabalitaan na lang ng mga fans na naligaw na ito ng landas.

Sa kasalukuyan ay maayos na ang kalagayan ni John Wayne Sace. At kahit pa hindi na siya bumalik sa showbiz, unti-unti naman niyang pinipilit baguhin ang kanyang kapalaran. Kamakailan lang, nagbalik-tanaw ang dating aktor sa isa sa mga pinakamadilim na bahagi ng buhay niya.

Read More: Mariel Rodriguez, Nagulat Matapos Malaman na May Baril ang 70-Anyos na Byenan na si Mommy Eva!

Sa kanyang interview kay Ogie Diaz, ibinahagi ni John Wayne na noong panahong desperado siya ay naisipan niyang mang-holdap.

Napilitan lang daw siyang gawin ito upang kumita ng pera. Ngunit sa kabutihang palad, naisipan niya pang umatras dahil natatakot siya na lalong malugmok.

“Muntik na akong mang holdap dati, oo muntik na. Nandiyan na yung babae, nag-iiyak lang. Naglulupasay kasi kakasuweldo lang niya noon. Alam namin ‘yung swelduhan noon. Sabi ko, ate tumayo ka na dyan. Tapos yung kasama ko sa panghoholdap, kami ang nag-away. Sabi ko, ‘Pare hindi ko talaga kaya.’ Kasi pag nagawa yun, feeling ko magsusunod sunod.”

Kwento pa ni John Wayne, kitang-kita niya sa mukha ng babae ang takot matapos nila itong tutukan ng patalim. Sa huli, sila pa daw ng kanyang kasamang holdaper ang nag-away matapos siyang magdalawang isip. Ngunit hindi na niya ito muling inulit.

“Tapos inakbayan na kasi ako tututok ng patalim, desperado na rin kasi ako noon sa buhay. Pag-iyak niya sabi niya that time,’Para po ito sa nanay ko.’ Nakakapanginig hidni dahil nang holdap ka, kundi parang bumalik yung dating ako na, ‘Uy, ano ka ba ba? Hindi ako yung taong yun! Hindi yun si John Wayne,'” giit pa ng dating aktor.

Ayon kay John Wayne, lango rin siya sa droga noong mga oras na iyon. Ngunit sa kabila ng pagkakalugmok niya, sinikap ng dating aktor na magbago ang kanyang landas para na rin sa kanyang pamilya.

Read Also: Masyadong Strikto? Toni Gonzaga, Pinuna ng mga Netizens Dahil sa Video ni Seve!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment