Sa paglipat ni Kuya Kim Atienza sa GMA Network, marami ang tumaas ang kilay. Kabilang na sa kanila ang beteranang columnist at radio host na si Cristy Fermin. Nitong nakaraan lamang, binatikos si Cristy ang paglipat ni Kuya Kim sa Kapuso network. Inalala ni Cristy ang di umano’y binitawang pangako ni Kuya Kim sa kanyang home network.
“Kung lilipat na siya ng GMA, paano na yung binitawan niya noon na hanggang sa huli niyang hininga mananatili siya sa ABS-CBN? Yang mga pagsasalita ng mga pangako na malalalim na mga ganyan, yung sinasabi ni Kuya Kim noon up to his last breath, na hindi siya aalis sa ABS-CBN.”


Read More: AJ Raval at Aljur Abrenica, Naaktuhang Magka-Holding Hands sa Mall Matapos i-Deny ang Relasyon!
Dagdag pa ni Cristy, hindi dapat nagsasalita ng tapos si Kuya Kim kung hindi naman niya ito kayang panindigan.
Ayon pa kay Cristy, nangako di umano ang host at newscaster na hanggang sa huling hininga nito ay mananatili siya sa ABS-CBN, na naging home network na niya sa loob ng ilang dekada.
“Paano mo haharangin, paano mo ipapaliwanag ang punto mo ngayong papalipat ka na pala samantalang nangako ka noon noong kasagsagan ng inyong ideolohiya tungkol sa pagkawala ng prangkisa ng ABS-CBN na hindi ka aalis, hindi ka lilipat hanggang sa huling hininga mo. Kaya kapag hindi kayang panindigan, ‘wag magsalita,” pahayag ni Cristy.

Ngunit mukhang nag-backfire naman ang statement na ito ni Cristy Fermin. Inalala ng mga netizens ang komento nito noon sa kasagsagan ng isyu ni Yen Santos at Paolo Contis. Kahit pa huling-huli na magkasama ang dalawa sa Baguio, nagawa pa itong i-deny ni Cristy sa pagtatanggol niya kay Paolo.
Dagdag pa ng mga netizens, walang karapatan si Cristy na punain ang desisyon ni Kuya Kim sa network transfer nito kung siya rin mismo ay walang isang salita.
Binawi rin ni Cristy ang sinabi niyang hindi si Paolo at Yen ang nasa larawan, at kinumpirma niyang totoo ngang magkasama ang dalawa.
Read Also: “Desperado na ko”- John Wayne Sace, Ibinuking na Muntik na Siyang Mang-Holdap Dati

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment