Xian Gaza, Tumpak ang Pasabog Tungkol sa Tinatagong Affair ni AJ Raval at Aljur Abrenica!

Usap-usapan na ngayon sa social media ang namumuong romansa sa pagitan ni Aljur Abrenica at AJ Raval. Matatandaang naging co-stars ang dalawa sa pelikulang ‘Nerisa.’ Sa kanyang nakaraang interview, inamin ng 26-anyos na aktres na kasalukuyang nanliligaw sa kanya si Aljur, at sa tingin niya’y ‘boyfriend material’ nga ito.

Ngunit bago niya pa aminin ang totoo, kumalat na ang usap-usapan na mayroong namamagitan sa dalawa. Iilang fans ang nakakita na magkasama sa publiko si AJ at Aljur.

Mayroon rin silang mga larawan na magka-holding hands sa mall. Kaya naman maging ang social media influencer na si Xian Gaza ay nakisawsaw sa isyung ito.

Read More: AJ Raval at Aljur Abrenica, Naaktuhang Magka-Holding Hands sa Mall Matapos i-Deny ang Relasyon!

Ilang araw bago pa man umamin si AJ, nagbanta si Xian na ibubuking niya ang sikreto nito. Ayon kay Xian, hindi umano kakayanin ng mga netizens ang pasabog niya tungkol sa sexy actress.

Ngunit imbes na ma-offend ay tila pumatol pa si AJ at sinakyan lamang nito ang mga rebelasyon ni Xian. Ngunit kahit pa nag-abiso si Xian na ilalabas niya ito sa social media, sa huli ay umatras din siya.

Sa kasunod na status update, ibinahagi ni Xian na nagdadalawang isip siya dahil ayaw niyang siya ang maging dahilan ng pagkasira ng image at career ng baguhang aktres.

“Nagdadalawang isip ako ngayon kung ilalabas ko pa ba yung pasabog ko kasi parang hidni ko kakayanin na makitang nasasaktan si Ms. AJ Raval. Aanhin ko ang traffic sa loob ng Isyus App kung mahe-hurt ko naman ang image at career niya,” dagdag pa nito.

Matapos umamin mismo si AJ tungkol sa kanila ni Aljur, maraming netizens naman ang nagbalik tanaw sa mga status ni Xian. Ayon sa kanila, talagang kamangha-mangha kung paano ito nagiging updated sa mga showbiz scoop na hindi pa alam ng publiko.

Sa kabilang banda, ayon kay AJ ay nasa ‘getting-to-know’ stage pa lamang sila ni Aljur sa ngayon. Pinupuntahan rin daw siya nito sa bahay at humingi ito ng permiso sa kanyang amang si Jeric Raval upang ligawan siya.

Read Also: “Desperado na ko”- John Wayne Sace, Ibinuking na Muntik na Siyang Mang-Holdap Dati

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment