Bukod sa pagiging fashionista, hindi rin maipagkakailang may expensive taste si Ivana Alawi pagdating sa kanyang pananamit. Sa katunayan, marami rin siyang designer bags, shoes, at clothes. Mayroon ring nagreregalo sa kanya ng mga mamahaling gamit, ngunit kadalasan ay siya mismo ang nag-iinvest dito.
Mahilig rin si Ivana Alawi sa mga alahas. Siya ang celebrity endorser ng high-end jewelry store na Luna by Drake Dustin, na nagbebenta ng mga mamahaling diamond pieces. Hindi rin biro ang halaga ng mga alahas na ito. Depende sa cut at sa yari, maaaring umabot ng milyon-milyon ang presyo ng mga ito!

Read More: AJ Raval at Aljur Abrenica, Naaktuhang Magka-Holding Hands sa Mall Matapos i-Deny ang Relasyon!
Sa kabila nito, hindi maipagkakailang afford naman ni Ivana ang mamahaling alahas na ito. Ngunit labis pa ring nagulat ang mga fans matapos malaman ang halaga ng isang singsing ni Ivana! Ang diamond ring na ito na pagmamay-ari ni Ivana ay mahigit sa P12 milyon pala ang halaga!
Matatandaang una itong ipinasilip ni Ivana sa kanyang nakaraang vlog noong January 2021. Ayon kay Ivana, birthday gift niya sa kanyang sarili ang 8-carat gold diamond na ito. Binansagan rin daw ang singing na ‘Ivana Moon.’


“Ayan, so nakapalibot siya ng diamonds. And then, ayan, pina-gold ko siya kasi favorite ko yung color gold sa mga accessories. I bought this from LVNA by Drake Dustin, and eto ay regalo ko sa sarili ko. sa birthday ko talaga siya dapat. Bakit ako mag-aantay sa lalaki, e, di, bibilihan ko na lang ang sarili ko, di ba?”
Dagdag pa ni Ivana, talagang ‘dream come true’ ang singsing na ito, dahil matagal na rin niya itong pinapangarap. Ito rin daw ang nag-inspire sa kanya na i-reward ang kanyang sarili para sa kanyang mga pagsisikap.
“I’m not engaged. I’m just loved. This is the gift to myself. So, proud kasi it’s a reminder to work hard for your dreams. Kasi dati pangarap ko lang talaga ito. Tapos sa akin na siya. It’s just a dream come true. I will treasure this.”

Read Also: “Desperado na ko”- John Wayne Sace, Ibinuking na Muntik na Siyang Mang-Holdap Dati
Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment