"Diet talaga ako, nagbawas ako sa carbs!"- Jane de Leon, Naiyak Matapos Sukatin ang Costume ni Darna

Dalawang taon ring na-delay ang production ng pinaka inaabangang serye na “Darna.” Dati ay balak ng ABS-CBN na gawin itong pelikula sa direksyon ni Erik Matti. Ngunit dahil sa nagdaang pandemic at sa pabago-bagong leading cast, pansamantalang natigil ang production. Matapos ang paghihintay, sa wakas ay magsisimula na ito!

Magiging teleserye na ang “Darna,” na gagampanan ng Kapamilya actress na si Jane de Leon. Matatandaang si Jane ang napili sa maraming nag-audition para sa role na ito.

Kamakailan lamang ay inanunsyo ng ABS-CBN na sa Nobyembre na magsisimula ang shooting ng kaabang-abang na teleseryeng ito.

Read More: AJ Raval at Aljur Abrenica, Naaktuhang Magka-Holding Hands sa Mall Matapos i-Deny ang Relasyon!

Ayon kay Jane, labis rin ang kanyang preparasyon para sa role na ito. Kailangan niya ring maging physically fit, kaya naman lagi siyang nagte-train ngayon. Binabantayan rin daw niya ang diet niya upang ma-maintain niya ang fit na physique ni Darna.

“Diet talaga ako, nagbawas ako sa carbs. Imagine nagwa-one rice a day lang ako. More on compound workouts ang ginagawa namin ni coach,” pagbabahagi ni Jane sa kanyang exclusive interview sa TV Patrol.

At dahil sa wakas ay magpupush na ang taping ng “Darna,” hindi rin daw mapigilang maging emosyonal ni Jane habang sinusukat niya ang costume ng superhero. Malaki rin daw ang pasasalamat niya sa Maykapal dahil sa once-in-a-lifetime role na ito.

“Kinikilig ako na excited na kinakabahan, sa totoo lang. Iba yung pakiramdam pag malapit na. Mga Kapamilya, eto na po, magsisimula na po ang Darna! Hindi ito prank, totoo na po ito. Goosebumps, naiyak ako. Yung feeling na nilalagay na sa akin yung headdress, grabe. Nagpapasalamat ako kay Lord na matutuloy na,” dagdag pa ng aktres.

Sa kabilang banda, excited naman ang mga fans sa teleseryeng ito. Maka-katrabaho ni Jane dito si Joshua Garcia at Zaijan Jaranilla.

Read Also: “Desperado na ko”- John Wayne Sace, Ibinuking na Muntik na Siyang Mang-Holdap Dati

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment