Marami na ang nakikisawsaw sa hiwalayan ni Aljur Abrenica at Kylie Padilla. Kabilang na sa kanila ang showbiz insider at radio broadcaster na si Cristy Fermin. Kamakailan lang, naging paksa ni Cristy ang hiwalayan ng celebrity couple sa kanyang programang ‘Cristy Ferminute.’ Ayon kay Cristy, mayroon siyang ‘reliable source’ na nagbunyag ng katotohanan ukol sa hiwalayan ng dalawa.
Ipinahiwatig ni Cristy na tila ba si Kylie ang may problema kung kaya’t naghiwalay sila ni Aljur. Kahit pa noong nagsasama pa lang sila ni Aljur ay lagi na raw itong may ibang kausap. Lumalabas pa daw ito ng bahay upang hindi marinig ni Aljur, at minsan ay umaabot pa ng madaling araw ang usapan ni Kylie at ng kanyang ‘mystery caller.’

“Kahit na madaling-araw, oo, meron siyang kausap sa phone, bumababa siya. Kahit sa kusina, gano’n-gano’n, meron siyang kausap. Natural, hindi naman patay na lokohan si Aljur, ‘di ba? Lalaki ‘yan. Kung ang babae po ay malakas ang pakiramdam, ang tunog naman po ng lalaki, matibay. Merong nagaganap sa kabila ng sila pa ang magkasama,” dagdag pa nito.
Agad namang sinagot ni Kylie ang mga akusasyong ito. Sa Twitter, nagpahayag ng kanyang saloobin ang Kapuso actress. Ayon kay Kylie, walang katotohanan ang mga alegasyon ni Cristy mula sa kanyang source. Dagdag pa niya, kilala niya rin kung sino ang source na nagbigay ng maling balita kay Cristy.

“Hi Cristy Fermin. Alam ko kung sino source mo. Wag nyong hintayin mag salita ako tungkol sainyo. Nag titimpi ako para sa mga anak ko. Tignan nyo mga mali myo sa sarili nyo bago kayo manghusga ng ibang tao. Ano bang makukuha nyo sa pag sisira sakin? GROW UP. Ang tatanda nyo na,” pahayag ni Kylie.
Matatandang noong nakaraan lamang ay naglabas ng pahayag ni Aljur, kung saan inudyukan niya si Kylie na magsabi ng totoo. Ayon sa aktor, si Kylie ang naunang nagloko kung kaya’t nasira ang pamilya nila. Sa kasalukuyan ay hindi na nagsasama ang dalawa, at di umano’y may iba na ring boyfriend si Kylie.


Read Also: Ivana Alawi, Diretsahang Sinagot Kung Nililigawan nga ba Siya ni Joshua Garcia!
Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment