Nilinaw ni Jeric Raval na masinsinan niyang kinausap si Aljur Abrenica tungkol sa panliligaw nito sa anak niyang si AJ Raval. Usap-usapan na ngayon sa social media si Aljur at AJ matapos lantarang aminin ni AJ sa isang interview na nililigawan siya ng aktor. Matatandaang nitong July lamang nang maghiwalay si Aljur at asawa nitong si Kylie Padilla.
Ayon sa ama ni AJ na si Jeric, hanggang ngayon ay tila may alinlangan pa rin siya sa panliligaw ni Aljur. Nagkita na raw sila ng ilang beses matapos nitong ihatid si AJ. Nang magkita sila, diretsahan namang tinanong ng dating action star ang estado ng pagsasama ni Kylie at Aljur ngayon.


Read more: “Diet talaga ako, nagbawas ako sa carbs!”- Jane de Leon, Naiyak Matapos Sukatin ang Costume ni Darna
Dagdag pa ni Jeric, ayaw niya ring magkaroon ng aberya sa kanyang kaibigan na si Robin Padilla, na syang tatay ni Kylie. Kaya naman hindi raw niya mapigilang hindi mahiya, lalo pa’t ayaw niyang isipin ng mga tao na si AJ ang third party na naging mitsa sa hiwalayan ng mag-asawa.
“Ano kaya ang sasabihin ko sa biyenan mo kung aksidenteng magkita kami? Alam ko na anak ni Robin ang asawa niya. Magkaibigan kami ni Robin, kaya hindi mo maiaalis sa akin na medyo mahiya sa sitwasyon dahil ayokong isipin ng mga tao o ninuman na ang dahilan ng pagkakahiwalay nila o third party eh ang anak ko,” dagdag pa ni Jeric.


Bukod pa dito, nilinaw niya rin na sana’y walang natatapakang tao ang dalawa sa kanilang pag-iibigan. Kapansin-pansin naman sa interview na tila ba naiilang si Jeric, at hindi nito sinabi ng direkta ang pangalan ni Aljur.
“Sabi ko pa sa kanya. ‘I have nothing against you, kaya lang kaibigan ko ang biyenan mo. Kung in good faith naman ang panliligaw mo sa anak ko, well, then kailangan nasa ayos ang lahat. Gaya nga ng nasabi ko, hindi magiging masaya ang isang relasyon kung may natatapakan.”
Read Also: Engagement Ring nga ba? Sosyal na Diamond Ring ni Ivana Alawi, Nagkakahalaga ng P12 Milyon!

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment