Isa si Bea Alonzo sa mga hinahangaang aktres sa mundo ng showbiz. Sa loob ng ilang dekada ay namayagpag ang career ni Bea sa pag-arte sa mga blockbuster na pelikula at top-rating na teleserye. Ngunit sa kabila ng kanyang kasikatan ay hindi nakakalimutan ng aktres na lumingon sa kanyang pinanggalingan.
Bago pa man siya makikila bilang si Bea Alonzo, malaki ang ginampanan ni Mr. Johnny Manahan sa career ng aktres. Noong nagsisimula pa lang si Bea sa Star Magic, si Mr. M ang naging manager niya. Ito rin ang nag-manage sa career ni Bea sa loob ng dalawang dekada.

![]()
At kahit pa lumipat na si Bea sa Kapuso network, patuloy pa rin ang pag suporta sa kanya ni Mr. M. Matatandaang naunang lumipat ng GMA 7 si Mr. M noong 2020.
Siya na ngayon ang consultant ng GMA Artist Center, na siyang Kapuso talent management division. Kamakailan lang ay nagbigay sya ng mensahe para sa dati niyang alaga.
Bilang sorpresa para sa nalalapit na birthday ni Bea, mayroong inihandang special birthday greeting si Mr. M. Hindi naman mapigilang maging emosyonal ni Bea matapos marinig ang nakakaiyak na mensahe sa kanya ng kanyang minamahal na mentor.

“I want to wish you a very happy birthday. Alam mo naman, hindi ako gumagawa nito, yung mga ganito… But then for you, special ka, you’re special to me. And I hope you have a very nice birthday and very successful career here at GMA. Love you,” pahayag ni Mr. M.
Ayon kay Bea, talagang malaking bahagi ng buhay niya si Mr. M. Utang na loob niya daw dito ang kanyang career, dahil kung wala ito ay paniguradong hindi niya mararating ang kanyang katanyagan ngayon. Dagdag pa ni Bea, masaya siya dahil si Mr. M ang kauna-unahang nagtiwala sa kanya sa industriya.
Read Also: Julia at Gerald, Nagbigay ng Relationship Advice sa mga Couples na Pareho ng Sitwasyon Nila

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment