Maraming netizens ang muling nag-alala sa kalagayan ng dating action star na si John Regala. Kamakailan lang, isang concerned citizen ang nagbahagi ng larawan ng aktor na di umano’y naka-confine sa ospital. Ayon sa nag-post, mahigit isang buwan na rin daw naka-admit sa ospital ang beteranong aktor kaya naman muli itong nananawagan.
Halos maubos na daw ang pera ni John Regala dahil sa mga gastusin sa kanyang gamot. Dahil dito, muli siyang kumakatok sa puso ng mga kapwa niya artista sa showbiz upang matulungan siya. Nag-viral rin ang larawan ni John sa ospital, kung saan makikitang pumayat ito at tila ba nanghihina.

“Alam ko pong maraming nakakakilala sa nag-iisang John Regala. Pero nitong mga nakaraang buwan siya po ay na-hospital. Meron na po silang 1 month dun, wala na po silang mapagkuhanan ng financial araw-araw. Humihingi po sila ng tulong sa kanyang kapwa co-celebrities. Please po paki-share,”
Agad namang nag-viral sa social media ang post na ito. Maraming netizens ang nais magpaabot ng tulong sa aktor, dahil nahahabag sila sa kalagayan ngayon ni John. Matatandaang ilang beses na rin itong nakatanggap ng tulong sa mga politiko at artista na naka-trabaho niya dati.

Noong August 2021, kumalat rin sa social media ang fake news na di umano’y pumanaw na ang aktor. Maraming netizens naman ang napaniwala dito, at ang iba ay nagpaabot pa ng condolences para sa pamilya ni John Regala. Ngunit agad naman itong pinabulaanan ni John.
Sa kanyang official Facebook account, itinanggi ni John ang mga kumakalat na malisyosong fake news tungkol sa kanya.
Ayon kay John, walang katotohanan na pumanaw na siya, at sana’y tumigil na ang mga netizens sa pagkakalat ng maling balita na ito. Nanawagan rin ito na sana’y mabigyan siyang muli ng hanapbuhay o trabaho.


Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment