Ivana Alawi, Diretsahang Sinagot Kung Nililigawan nga ba Siya ni Joshua Garcia!

Kamakailan lang, ibinunyag ng Youtube sensation na si Ivana Alawi na mayroon siyang crush sa Kapamilya actor na si Joshua Garcia. Sa vlog nila ni Mona, ibinuking nito na matagal ng crush ni Ivana ang aktor. Ayon naman sa 24-anyos na Youtube star, hinangaan niya si Joshua hindi lamang sa appeal nito, kundi dahil sa pagiging family-oriented ng aktor.

“Cute yung mukha, tsaka mabait siya. Nakita ko parang family-oriented siya. Ano lang, friends. Hindi pa naman kami ganung level,” pahayag ni Ivana.

Pagbibiro pa nito, wala raw umano siyang cellphone number ni Joshua, at wala rin daw itong cellphone number niya dahil hindi pa umaabot sa ganoong level ang friendship nila.

Read More: Lolit Solis, Nag-Public Apology Matapos Ipagkalat ang Pribadong Pangyayari kay Alex Gonzaga at Mikee Morada

Tinanong rin si Ivana kung may posibilidad bang ligawan siya ng Kapamilya actor sa hinaharap. Ngunit ayon sa 24-anyos na aktres, hindi niya masasagot ito sa ngayon dahil tanging si Joshua lamang ang nakakaalam nito dahil siya ang lalaki. Kung darating mas sa punto na iyon, nais muna ni Ivana na makilala ang aktor ng lubusan.

“Ay itanong niyo na lang siya. Bakit ako? Gusto ko kasing makilala muna siya bago ko kurutin yung sarili ko,” pabiro pang dagdag ng Youtuber sensation.

Dagdag pa ni Ivana, ayaw niyang basta basta na lang magpakita ng manliligaw o jowa sa kanyang Youtube channel.

Nais niyang siguraduhin muna na pang-forever na ito bago niya ipakilala sa publiko. Panigurado namang aabangan ng mga fans ang araw na ito!

“Or not just to Joshua, sa mga nanliligaw o manliligaw, ayokong iba-vlog ko lahat…Some things should be kept private. Unless super sure na ‘ko sa taong ‘yun. Pero ayaw ko kasi ‘yung vina-vlog ko, and then maghihiwalay tapos ano? Ide-delete ko ‘yung video? Kung ano ‘yung ipapakita ko, ‘yun na ‘yung magiging asawa ko.”

Read Also: Julia at Gerald, Nagbigay ng Relationship Advice sa mga Couples na Pareho ng Sitwasyon Nila

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment