Heart, Aminadong Muntik na Hiwalayan si Chiz Noon Dahil sa Kanyang Strict Parents

Maituturing na kabilang sa mga power couples sa showbiz si Heart Evangelista at Chiz Escudero. Marami ang humahanga sa matatag na pagsasama ng dalawa na mas lalong pinagtibay ng panahon at mga pagsubok na hinarap nila. Ngunit alam niyo bang muntik na silang maghiwalay bago pa man sila ikasal noon?

Sa kanyang nakaraang interview, inamin ni Heart na balak niyang hiwalayan si Chiz. Matatandaang noong nagsisimula pa lang ang kanilang relasyon, tutol ang magulang ng aktres kay Chiz. Sanay na raw si Heart sa ganitong set-up, at bago pa man lumala ang sitwasyon ay nakikipaghiwalay na lang siya gaya ng nangyari sa kanyang mga ex-boyfriends.

Read More: Lolit Solis, Nag-Public Apology Matapos Ipagkalat ang Pribadong Pangyayari kay Alex Gonzaga at Mikee Morada

“I actually not naman broke up with him, pero that was the plan. I was supposed to break up with him because I always do that with my ex-boyfriends whenever things were getting really bad with my parents. Because I felt like I was a curse because I knew what was going to happen next. But yeah, I did.”

Ngunit sa kabila nito, hindi raw natuloy ni Heart ang plano niya matapos makita kung gaano siya kamahal ni Chiz. Kaya naman nagdesisyon siyang ipaglaban ito sa kanyang mga magulang, kahit pa halos hindi na siya pansinin ng mga ito noon.

Matatandaang hindi magkasunod si Senator Chiz at ang mga magulang ni Heart noon. Sa isang publicized interview, inakusahan ng nanay ni Heart na ‘walang respeto’ si Chiz sa kanila. At kahit pa noong ikinasal si Heart at Chiz noong 2015 sa Balesin Island ay hindi umattend ang kanyang mga magulang.

Ngunit sa paglipas ng panahon ay nakita rin nila kung gaano kamahal ni Chiz ang kanilang anak. Kaya naman nagkaayos ang magkabilang kampo, at sa ngayon ay lagi ng pinupuri ng mga magulang ni Heart ang kanilang son-in-law.

Read Also: Julia at Gerald, Nagbigay ng Relationship Advice sa mga Couples na Pareho ng Sitwasyon Nila

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment