Raymond Gutierrez, Labis ang Pasasalamat Matapos Maka-Survive sa Car Accident sa Los Angeles

Kamakailan lang ay nasangkot sa isang car accident ang dating aktor at TV host na si Raymond Gutierrez. Kasalukuyang namamalagi sa Los Angeles, California si Raymond kasama ang kanyang mga kaibigan. Noong October 13, ibinahagi ni Raymond ang nakakakabang karanasan niya matapos mabangga ang sinasakyan niyang Uber.

Sa Instagram stories, idinetalye ni Raymond ang pangyayari. Ayon sa kanya, habang dumiretso sila sa green light ng Uber driver ay mayroong sasakyan na biglang lumitaw at nag-wrong turn. Dahil sa lakas ng impact ay napipi ang bumper ng sinasakyang kotse ni Raymond.

Read More: Lolit Solis, Nag-Public Apology Matapos Ipagkalat ang Pribadong Pangyayari kay Alex Gonzaga at Mikee Morada

“Still shaken up. My Uber driver got into an accident, good thing I was wearing a seat belt during impact. Just happy to be safe cause it could’ve been a lot worse. This was the other car who turned from the wrong lane while we were green, making the impact strong. Stress.”

Paglilinaw ni Raymond, hindi pa raw siya natututong mag-drive. Nasanay rin di umano siya sa Manila na lagi silang may personal driver, ngunit kasama na ito sa kanyang to-do list dahil necessary skill rin ang pagmamaneho. Isa ito sa mga nais niyang matutunan sa Los Angeles.

Bukod pa dito, nag-iwan rin ng payo si Raymond sa kanyang mga IG followers na laging magsuot ng seatbelt. Nang maganap ang aksidente, nakasuot siya ng safety belt, kaya naman kahit malakas ang impact ay hindi siya nagtamo ng mga injuries mula sa crash.

“I don’t drive and that’s still on my to-do list here in LA. I miss the convenience of having a driver in Manila- but I know I’m gonna have to learn this life skill at some point. Hope today’s incident won’t make me more apprehensive. PS always wear your seatbelt,” dagdag pa ng dating aktor.

Read Also: Julia at Gerald, Nagbigay ng Relationship Advice sa mga Couples na Pareho ng Sitwasyon Nila

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment