Sa panahon ngayon, patok na content sa mga celebs Youtube ang pagbabahagi ng kanilang personal collection. Mapa-mamahaling bag, shoes, o designer clothes, talagang namamangha ang mga viewers makita ang paboritong pieces ng kanilang mga idol. Ngunit ibahin niyo ang actress at host na si Mariel Rodriguez.
Kamakailan lang, maraming fans ang talagang nagulat matapos ipakita ni Mariel ang kanyang prized collection. Ayon kay Mariel, mahilig rin siya sa mga bags at headbands, ngunit kabilang sa mga kinakahiligan niya ay ang pagkolekta ng baril. Sa kanyang latest vlog ay ipinasilip niya ang gun collection niya.

Read More: Matapos Magloko, Paolo Contis, May Balak Pang Ayusin ang Gusot Nila ni LJ Reyes
Ayon kay Mariel, saka lamang siya nahilig sa paghawak at pag-kolekto ng baril matapos niyang makilala ang mister na si Robin Padilla. Nagsimula raw siyang mangolekta ng baril matapos siyang regaluhan ni Robin ng kanyang kauna-unahang handgun.
“Who would’ve thought, right? I know ang mga na share ko before are my collection of bags, headbands, pati tableware, but I’m really excited to show you all a part of me na hindi niyo pa nakikita — my guns! It all started nung niregaluhan ako ni Robin Padilla with my first gun and now look where we are,” pahayag ni Mariel.

Dagdag pa nito, maging ang kanyang mother in law na si Mommy Eva ay mahilig rin sa baril. Inalala rin ni Mariel ang kauna-unahang pagkakataon na nakilala niya ito, at nagulat raw siya matapos marinig na may sarili pala itong baril.
“I remember, I’ll never forget it. One of the first few times that I’ve met my mother-in-law, she said, ‘Robin, ‘yung shotgun ko, parang kailangan nang lagyan ng langis.’ I was shocked. Imagine, a 70-year-old lady, sinabi niya na may shotgun siya. I was shocked to the core! Bago pa lang ako no’n sa pamilya nila.”
Sa kabila nito, iginiit ni Mariel na safety first dapat sa pangongolekta ng baril. Secured at out of reach din daw ito ng kanyang mga anak para makaiwas sa aksidente.

Read More: KC Concepcion, May Bwelta sa Basher na Tinawag Siyang ‘Mukhang Clown’ sa Social Media
Panoorin ang buong video dito:
Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment