Talagang bukod na pinagpala sa babaeng lahat ang aktres na si Kiray Celis. Bukod sa kanyang namamayagpag na career sa Kapuso network, hindi maipagkakailang maswerte rin si Kiray pagdating sa love life. Talagang maraming netizens ang napapa-sana all na lang sa estado ng relasyon nito sa kanyang non-showbiz boyfriend.
Sa social media, madalas ay kinikilig ang mga fans sa display of affection ng dalawa. Lagi ring ibinabahagi ni Kiray ang mga romantic surprises ng kanyang boyfriend na si Stephan Estopia. Kamakailan lang, muli na namang nag-feeling dyosa ang Kapuso comedienne matapos ibahagi ang napakasweet na sorpresa ng bf niya!


Read More: Axel Torres, Nagsalita na! Pinaringgan ang Ex na si AJ Raval Dahil sa Affair Nito kay Aljur
Bilang tanda ng kanyang pagmamahal at loyalty para kay Kiray, ipina-tattoo ni Stephan ang mga mata nito sa kanyang dibdib. Labis namang kinilikig si Kiray, at maging ang mga fans ay hindi mapigilang mapa-sana all na lang. Senyales na kaya ito na pang-road to forever na ang kanilang pagsasama?
Sa kanyang nakaraang panayam sa GMA Network, ibinahagi ni Kiray na labis siyang nasorpresa sa ginawang ito ng kanyang boyfriend: “Nakakahaba ng buhok na ipa-tattoo ka ng isang partner mo. Para sa amin kasi, kaya daw two ‘yung mata kasi road ‘two’ forever na raw. Naks!”

Dagdag pa niya, napag-uusapan na rin daw nila ang kanilang hinaharap. Kasama na dito ang pagkakaroon ng baby, ngunit nagbiro ang dalaga na sa ngayon ay nais nila munang i-enjoy ang kanilang relasyon. May mensahe rin si Kiray sa mga bashers na bumabatikos sa relasyon nila si Stephan.
“Huwag natin lahatin. Hindi lahat ng nagpapa-tattoo, nangyayari ‘yun sa kanila. Nakadepende ‘yun sa dalawang taong nagmamahalan at nagrerespetuhan sa isang relasyon. Hirit pang pahayag ng Kapuso star, “Ako, gusto ko makahanap ng kagaya ng papa ko. Nu’ng nakausap ko pa lang siya, sabi ko, ‘Ito na ‘yun!”


Read More: AJ Raval at Aljur Abrenica, Naaktuhang Magka-Holding Hands sa Mall Matapos i-Deny ang Relasyon!
Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment