Isa si Ivana Alawi sa mga hinahangaang celebrities ngayon sa showbiz. Bukod sa kanyang mala-dyosang kagandahan, hindi rin maipagkakaila ang kabutihang loob ng 24-anyos na actress at social media influencer. Dahil dito, paniguradong napakaswerte ng lalaking bibihag sa puso ni Ivana.
Kamakailan lang, usap-usapan sa social media ang di umano’y rumored boyfriend ni Ivana. Ito’y walang iba kundi ang Kapamilya actor na si Marco Gumabao! Nawindang ang mga netizens matapos kumalat ang photos at videos ng dalawa, kung saan makikitang sweet na sweet sila sa isa’t-isa.

Read More: Arci Munoz, Ipinasilip ang Hirap ng Kanyang Training Bilang Isang Army Reservist
Sa isang video na ibinahagi sa Instagram, makikitang magkasama si Ivana at Marco habang nagkakaraoke night. Nakunan rin ng video ang paghawak ni Marco sa hita ni Ivana habang kumakanta ang aktres. At dahil mukhang ayos lang ito para kay Ivana, napaisip ang mga netizens kung may relasyon na nga ba ang dalawa!
Ngunit mukhang hindi pa ready magsalita ang dalawa tungkol sa totoong namamagitan sa kanila. Sa kanyang latest interview para sa teleserye niyang ‘Di na Muli,’ ibinahagi ni Marco na lagi siyang inspired ngayon, ngunit hindi niya binuking kung sino ang kanyang inspirasyon.

Ayon naman sa mga netizens, labis nilang ikinagulat ang mga pangyayaring ito, lalo pa’t kamakailan lang ay nilinaw ni Ivana na wala siyang boyfriend. Silipin ang mga komento ng mga fans dito:
“Walang ganyang friend. Lahat ng lalaki hahawak sa hita mo ng ganyan may intimate relationship kayo. Eh di kayo na.”
“Bagaaaaay at least kung magka love team sila hindi pabebe.”
“baka nag jowa challenge. Alam mo naman mga artista ngayon medyo sumasabay na bilang youtuber knowing meron Youtube na din si Marco eh.”

Read Also: Julia at Gerald, Nagbigay ng Relationship Advice sa mga Couples na Pareho ng Sitwasyon Nila
“I think matagal na sila nag liligawan… nag cocomment si ivana sa pics ni marco noon pa… bagay naman sila!”Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment