Ogie Diaz, Pinagsabihan si Andrea Brillantes sa 'Plastik' na Pahayag Nito Tungkol sa Showbiz

Kamakailan lang, naglabas ng saloobin ang teen star na si Andrea Brillantes. Ayon dito, hindi niya mapigilang mapaisip sa ibang artista na baguhan pa lamang sa showbiz ngunit umarangkada agad ang career. Para sa 18-anyos na aktres, masakit ito para sa kanya na bata pa lamang ay nagta-trabaho na sa showbiz.

Pinayuhan naman siya ng celebrity manager na si Ogie Diaz. Sa nakaraang vlog ni Ogie, ipinaintindi niya kay Andrea na hindi sapat ang talent at tenure sa pagsikat sa industriya ng showbiz, kundi maging ang timing. Karamihan daw ay itinadhana talagang sumikat.

Read more: “Diet talaga ako, nagbawas ako sa carbs!”- Jane de Leon, Naiyak Matapos Sukatin ang Costume ni Darna

“Kapalaran yan eh. Kung nakatadhana na sumikat ka kahit ngayon ka lang nag-artista tapos bukas sikat ka na, ibig sabihin nakalaan para sayo yan. Right timing ang tawag doon at saka panahon mo. Pero ang mga tao naman ang magsasabi na sikat ka, hindi ikaw para sa sarili mo,” paglilinaw pa ni Ogie.

Dagdag pa ni Ogie, hindi na dapat pa nag-iisip si Andrea ng mga ganitong bagay sa kanyang kapwa artista. Sa halip ay dapat magpasalamat pa ito sa mga biyayang natatanggap niya.

Maraming artista rin ang ilang dekada na sa showbiz bago natanggap ang kanilang big break, gaya na lamang nila Jodi Sta. Maria at Dimples Romana.

Ayon kay Ogie, bata pa naman si Andrea at paniguradong marami pa itong makakamit sa kanyang buhay. Pinayuhan niya rin ito na wag mainggit at maging insecure sa iba, dahil sa huli, ang mahalaga ay masaya siya para sa success ng kanyang mga co-stars.

“Yung iba kasi inuunahan na ng paglaki ng ulo, E, since hindi naman lumalaki ulo ni Andrea Brillantes, sabi nung iba, edi i-maintain mo yan, Andrea. At saka wag ka nang nagtatanong ng ganyan anak, kasi mas pinatutunayan mo na hindi ka secure, hindi mo ipinagpapasalamat kung anong meron ka pag ganyan attitude natin.”

Read Also: Engagement Ring nga ba? Sosyal na Diamond Ring ni Ivana Alawi, Nagkakahalaga ng P12 Milyon!

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment