Friendship Over na? Janella Salvador, Ibinuking na Ini-Snob na Siya ni Julia Barretto Ngayon!

Tapos na nga ba ang pagkakaibigan ni Julia Barretto at Janella Salvador? Hindi lingid sa kaalaman ng mga fans na ilang taon na ring malapit na magkaibigan ang dalawa. Sa katunayan, noong nagsisimula pa lang sila sa showbiz industry ay laging magkadikit si Janella at Julia. Ngunit nakakalungkot na dahil lamang sa love team ay nasira ang pagkakaibigan ng dalawa.

Matatandaang 2019 nang maghiwalay si Julia at ang kanyang long-time love interest na si Joshua Garcia. Matapos noon ay ipinares naman si Joshua kay Janella, ngunit dahil dito ay nagkaroon ng lamat ang pagkakaibigan nila. Matatandaang nagkaroon pa ng kontrobersya matapos i-unfollow ni Julia si Janella sa Instagram.

Read More: “Dinamay pa yung bata”- Toni Fowler at Rob Moya, Binatikos ng mga Netizens Dahil sa Pakulong Proposal!

Hanggang ngayon, kahit pa ilang buwan na ang nakalipas ay mukhang hindi pa rin nagkakaayos ang dalawa. Sa kanyang nagdaang interview para sa isang Youtube vlog, ibinuking ni Janella ang totoong estado ng pagkakaibigan nila ngayon ni Julia. Ayon sa young celebrity mom, hindi na sila nagkakausap ni Julia ngayon.

“Honestly, hindi na kami nag-uusap ngayon. Para clear sa mga tao. And there was an issue before na hindi ko na sasabihin kung ano, pero alam niyo na yun,” paglilinaw ni Janella. Hindi man niya tinukoy ang naging isyu nila ni Julia, alam na ng mga netizens ang totoong nangyari sa kanila.

Matatandaang noong February 2020 lang nang ibahagi ni Janella ang pagbubuntis niya kay Markus Paterson. At umasa ang mga netizens na ngayong nanganak na si Janella ay maaaring maayos nang muli ang pagkakaibigan nila ni Julia. Ngunit kahit pa nakapanganak na ito, mukhang hindi pa rin handa ang dalawa na magkaayos.

Sa kabilang banda, busy naman ngayon si Janella sa pagiging first-time mom sa kanyang baby. Samantalang si Julia naman ay masaya sa kanyang relasyon kay Gerald Anderson.

Read Also: 20-Anyos Sexy Aktres na Na-Link kay Albert Martinez, Ibinuking na ang Totoong Namamagitan sa Kanila ng Beteranong Aktor!

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment