May Favoritism nga ba? Sharon Cuneta, Binatikos ng Netizens Dahil sa 'Unfair Treatment' sa Kanyang mga Anak

Sa kalagitnaan ng pandemic, lahat tayo ay mayroong pinagdadaanan. Mahirap man o mayaman, may kanya-kanya tayong pagsubok na kinakaharap, at minsan ay kailangan lang natin magpakalayo-layo para muling makahanap ng lakas. Ito rin ang dahilan kung bakit pansamantalang umalis si Megastar Sharon Cuneta sa Pilipinas.

Ilang buwan na ang nakalilipas nang ibinahagi ni Sharon ang kanyang emosyonal na pamamaalam sa kanyang pamilya bago siya pumunta sa Los Angeles, California. Labis niyang mamimiss ang kanyang pamilya na sina Sen. Kiko Pangilinan at ang mga anak nilang sina Frankie, Miel, at Miguel Pangilinan.

Read More: Axel Torres, Nagsalita na! Pinaringgan ang Ex na si AJ Raval Dahil sa Affair Nito kay Aljur

Ngunit matapos ang kanyang mahabang bakasyon ay muling bumalik sa Pilipinas si Sharon. Nakapag-taping rin siya ng kanyang bagong pelikula na ‘Revirginized’ sa direksyon ni Daryl Yap.

Akala ng mga fans ay mananatili na si Sharon sa Pinas, ngunit sinorpresa nito ang mga netizens matapos muling bumalik sa US. Sa pagkakataong ito, iba na ang pakay ni Megastar sa kanyang pagbabalik.

Matatandaang noong nakaraang taon lamang nang tuluyang lumipad papuntang Amerika ang kanyang anak na si Frankie upang mag-aral doon sa New York. At dahil labis na-miss ni Sharon ang kanyang dalaga ay binisita niya rin ito.

“I cried so much when I saw her and hugged her so tight. She slept beside me and I sang her a lullaby which I sang to her every night when she was a kid, while running my fingers through her hair as we tightly hugged! I’m crazy about this kid,” dagdag pa ni Sharon sa kanyang Instagram update.

Sa kabilang banda, nasa Los Angeles naman ang panganay na anak ni Sharon na si KC Concepcion. Ngunit hindi mapigilang mapansin ng mga netizens na tila may paborito si Sharon sa kanyang mga anak. Ayon sa kanila, noong nag-aaral si KC sa Paris ay hindi man lang siya binisita ng kanyang ina kahit isang beses.

Read More: AJ Raval at Aljur Abrenica, Naaktuhang Magka-Holding Hands sa Mall Matapos i-Deny ang Relasyon!

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment