Aminin man natin o hindi, parte na ng buhay natin ang social media. Kung kaya naman karamihan sa atin ay talagang ginagawa ang lahat makakuha lamang ng atensiyon mula sa madla.
Kung gusto mong maging artista ngunit masyadong hassle ang mag audition at magsimula bilang pa extra-extra ay mayroon nang ibang paraan!
Maging vlogger o influencer ka!
Sa paraang ito ay nakikillaa ka ng tao at kumikikita ka pa.
Ngunit upang maging angat at kakaiba sa lahat ay kinakailangan mong maging nakaka aaliw and interesado para sa iyong mga manunuod.
Sa dami ba naman ng mga “Youtuber” ngayon ay halos lahat sila ay nagawa na kung ano ang uso.
Sa panahon ngayon, kung nais mong maging sikat agad ay kailangan kang gumawa palagi ng mga bagong kalokohan.
At iyan ang naging inspirasyon ng apat na magkakaibigang ito na nais lamang mag dala ng katatawanan sa kanilang mga manunuod ngunit sa kasamaang palad ay naging dahilan pa ito ng pagka sira ng kanilang buhay.
Sinubukan kasi nila ang “dead man” prank, ito ay pag papanggap na wala nang buhay ang isang tao at aalarmahin ang lahat ng makakikita rito ngunit sa kanilang bersiyon, gagawin nila ito sa publiko.

Isa sa kanila ay ipinasok sa sako at hinayaan sa tabing kalsada. Maraming tao ang naalarma kung kaya naman may tumawag na pulis upang marespondehan, at doon nagsimula ang problema.
Hindi natuwa ang mga kapulisan sa kanilang ginawa dahil ayon sa kanila ay labag sa batas ang pag gawa ng mga naka aalarmang bagay na nagdudulot ng kaguluhan sa karamihan.


Photo for Illustration
Nilabag din nila ang batas para sa social distancing, kung kaya naman diretso sa presinto ang mga kalalakihang ito.
Kinilala sila bilang sina Mark Francis Habagat, 20, Mark Aldrin Arce, 20, Chris Bayron, 20, at si Wynzel Tan, 19.
Nais naman ng mga awtoridad na magsilbing aral ang mga binatang ito sa ating mga “pranksters” upang hindi na maulit ang ganitong klaseng insidente.


May natutunan ka ba sa kwentuhan nating ito? Ibahagi na ang iyong komento sa comment section sa ibaba!
0 comments:
Post a Comment