Trending ngayon ang iba’t ibang mga pausong challenge sa social media pampalipas oras habang tayo ay nasa quarantine period pa rin. Katulad na lamang ng mga Tiktok challenges na pinapasimulan ng mga sikat na vlogger katulad na lamang ni Mimiyuuh, Cong TV, yumaong si Lloyd Cafe Cadena at maraming iba pa.
Talaga namang kahit nasa loob ka lamang ng bahay ay hindi ka na maboboring dahil basta may cellphone at internet ka, lahat ng klase ng kaaliwan ay makikita mo na.

Isa sa mga nabuhay na challenge ngayon ay ang Ice Bucket Challenge na ginawa upang mahing adbokasiya laban sa amyotrophic lateral sclerosis (ALS) — o mas kilala sa tawag na Lou Gehrig’s disease.
Ngunit ngayon, madalas na lamang itong ginagamit ng mga Youtuber upang maka gawa ng video, katulad na lamang ng babaeng vlogger na viral na viral ngayon.


Imbis kasi na sa bath tub siya maligo ng isang balde ng tubig ay naisipan niyang sa labas ito gawin. Sa tabing kalsada kung saan marami ang nanunuod at makakakita ng gagawin niya.
Bukod pa ron ay isa sa naisip niyang dagdag sa challenge ay maghanap ng isang estranghero na handang buhusan siya ng tubig.

Mabilis niyang nahanap ang volunteer para sa kaniyang challenge. Tinanong niya ang lalaki na pauwi na sana at nag aayos ng kaniyang motorsiklo at agad naman itong um-oo.
Matapos ang ilang sandali ay binuhusan na nga siya ng tubig, ngunit maya-maya lamang ay nagulat ang lahat nang may isang babaeng lumapit sa kaniya at halatang galit na galit ito!


Hindi agad nakagalaw ang vlogger at ang camera woman niya dahil bigla siyang sinabunutan ng babae, na misis pala ng lalaking bumuhos sa kaniya ng tubig.
Kinaladkad din siya nito ngunit naputol na ang video.
Marami ang nagsasabing scripted lang ang buong content dahil matapos ang nangyari ay nagawa pa niyang tumawa habang gumagawa ng “outro” o pamamaalam sa kaniyang mga viewers.
May natutunan ka ba sa kwentuhan nating ito? Ibahagi na ang iyong komento sa comment section sa ibaba!
0 comments:
Post a Comment