Napaka mapanlinlang ng ating mga mata.
At aminin na natin na hindi bihira ang mga pagkakataon na nagkakamali tayo at nadadala sa mga maling akala dahil masyado tayong nagpapadala sa ating mga nakikita nang wala man lang maayos na eksplenasyon.
Kaya naman madalas ang mga pangyayaring nagdudulot ng gulo dahil sa mga bagay na ito.

Photo for Illustration
Isa na rito ang mga chismis o mga impormasyong walang kaukulang patunay ngunit maaring makasira ng pagkatao.
Sa makabagong panahon, kinikilala natin ang terminolohiyang ito bilang “Fake News” o mga mapanlinlang na kwentong mabilis paniwalaan ng mga taong walang sapat na kaalaman tungkol sa bagay na pinepeke o ginagawan ng masamang balita.
Dahil na rin sa galing ng mga editors at hackers ngayon na trumabaho ng mga bagay-bagay, minsan ay hindi na talaga madaling malaman ang pinagkaiba ng totoo sa hindi, lalo kung ang pagkaka edit nito ay talaga namang napaka galing.
Isa na rito ang kumakalat na larawan ngayon online na gumugulo sa isip ng mga madla.

Hindi na malaman kung saan mismo nagsimula ang pagkalat ng larawan na ito ngunit ang mahalaga ay malaman kung ano ba talaga ang katotohanan sa misteryong nasa likod nito.
Makikitang ang larawan sa ibaba ay isang ordinaryong litrato lamang ng bato sa ilog.
Ngunit kung papansining maigi ay tila nakalutang ang batong ito sa tubig na wala namang pinagpapatungang mas malaking bato o kahit anong bagay na pwedeng makapag palutang dito!
Ang mas nakapag tataka pa ay masyadong malaki ang bato para lumutang na lamang nang ganoon, ngunit may ibang paliwanag naman ang mga netizens na tila nalaman na ang sikreto sa likod ng misteryo nito.

Photo for Illustration
Sabi nila ay malabong nagalaw ang larawan at anggulo lang ang nakapag pagulo ng mga bagay-bagay. Ayon sa kanila ay kung itatagilid mo lamang ang larawan ay makikita mo ang katotohanan!
Ano, alam mo na rin ba?
May natutunan ka ba sa kwentuhan nating ito? Ibahagi na ang iyong komento sa comment section sa ibaba!
0 comments:
Post a Comment