Kung mahilig kang magbasa ng manga o manuod ng anime, malamang ay mamangha ka sa bida ng ating kuwento ngayon.
Ang mga karakter na madalas na nakikita natin sa TV ay walang dudang kathang isip lamang, at malayong magkaroon ng isang tao na halos magiging kamukha ng mga nilalang na iyon dahil sa kanilang kakaiba ngunit magagandang itsura.

Photo for Illustration
Ngunit lingid sa kaalaman ng lahat at meron na palang modelo na sikat na sikat ngayon dahil marami ang hindi makapaniwala sa taglay niyang ganda.
Siya si Chloe, isang German model na kasalukuyan ay brand endorse ng Chuu, isang kompanya sa South Korea.
Nakilala si Chloe dahil sa kaniya di umanong pagkakahawig sa mga “elf” o mga fictional characters na nakikita natin sa telebisyon o palabas.

Photo for Illustration
Hindi tipikal ang ganda ni Chloe. Mukha siyang manika na hindi makabasag pinggan at ang kaniyang mga malaki at mapungay na mga mata ay talaga namang nagungusap.
Tama lang din ang tangos ng kaniyang ilong na bagay na bagay sa kaniyang mga labi.

Photo for Illustration
Madalang ang mga larawan ni Chloe na nakangiti at mas lalong na iintriga ang kaniyang mga taga suporta sa kaniyang itsura kung paano siya tumawa o umiyak.

Photo for Illustration
Madalas mag post ang modelo ng kaniyang mga litrato sa kaniyang Instagram account na ngayon ay may halos isang milyong followers na.
Hindi lang ganda ng mukha ang meron siya dahil balingkinitan din ang dalaga.
Talaga namang aakalain mong hindi siya totoong tao sa unang tingin dahil sa kaniyang kakaibang itsura, ngunit siguradong mahuhumaling ka sa kaniyang ganda kalaunan.

Photo for Illustration
At malamang sa malamang ay hindi ka maniniwala kung sasabihin kong bente uno (21) anyos pa lamang siya!
Talaga namang pinagpala ang babaeng ito sa halos lahat ng aspeto. Mapapa sana all ka talaga!
May natutunan ka ba sa kwentuhan nating ito? Ibahagi na ang iyong komento sa comment section sa ibaba!
0 comments:
Post a Comment