Natural na napaka ganda at napaka kinis ng dalagaang si Megan.
Bente uno anyos pa lamang ito at alam na alam na niya kung paano gamitin ang regalong ito sa kaniya upang pagaanin ang sarili nyang buhay.
Ngunit ito ang paraan na talaga namang hindi inaasahan ng marami.
Dahil imbis na mag aral at mag trabaho ay pinagkakakitaan ng dalaga ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng pangangabit sa mga matatandang mayaman na nakikilala niya sa mga mamahaling restawran na pinag tatambayan niya!
Kaya naman madalas na nag-aalala sa kaniya ang matalik na kaibigan nitong si Desiree, dahil maka ilang beses na itong sinusugod ng mga asawa at anak ng kung sino mang karelasyon niya at palaging pinag babantaan.
Ngunit hindi pa rin nagpapa awat si Megan. Para sa kaniya ay sapat na bayad na ang mga regalo at perang nakukuha niya mula sa stress na sitwasyon kagaya ng mga ganoon.
At isa pa, iniiwan niya rin naman agad ang lalaki kapag nagkakanda labo-labo niya.
Isang araw ay nagulat na lamang si Desiree nang sabihin ni Megan na magpapakasal na siya sa isang matanda na naging kasintahan niya sa loob ng dalawang buwan pa lamang.
Ani Megan ay wala itong asawa o anak man lang at ang mahalaga ay nasusunod nito ang luho niya.
Matapos ang maliit at mabilisang kasal ay ganoon na lamang ang gulat ni Megan noong hindi siya inuwi sa mansion ng kaniyang asawa.
Bagkus ay sa maliit na apartment na halos sila mismo at hindi kasya, at napaka dilim pa!
Halos himatayin si Megan noong malaman niya na hindi naman pala totoong mayaman ang kaniyang napangasawa.
Empleyado lang ito ng totoong mayamang matanda.
Bukod pa rito ay sinasaktan niya si Megan at ubod nang seloso pa!
Nagawang makatakas agad ng dalaga mula sa kamay ng matanda at tinulungan siya ni Desiree upang maipakulong ito.
May natutunan ka ba sa kwentuhan nating ito? Ibahagi na ang iyong komento sa comment section sa ibaba!
0 comments:
Post a Comment