Isang OFW, ginulat ang lahat sa kaniyang transformation matapos siyang iwan kasama ang anim na anak ng kaniyang asawa

Pamilyar ka ba sa mga salitang “nagmahal, nasaktan, gumanda?” viral sa Facebook ngayon ang trend na ito at maraming netizens na rin ang nagbahagi ng kanilang sari-sariling mga karanasan kung papaano sila nakapag move on mula sa mga taong nanakit sa kanila.

Isa ang OFW na si Michelle Valenzuela na nagbahagi ng kaniyang istorya sa social media.

Kuwento niya, ay iniwan siya ng kaniyang asawa kasama ang kanilang anim na anak para sa ibang babae.

Photo for Illustration

Dagdag ni Michelle ay buntis pa siya noon at hindi na niya alam ang gagawin. Nais man niyang sumuko dahil sa hirap ng kanilang buhay at sa sakit na kaniyang iniinda ay mas nanaig pa rin ang pagmamahal niya sa kaniyang mga anak kung kaya naman nag sikap siyang maghanap ng paraan kung paano niya maitataguyod ang mga ito.

Doon na niya napag isipang maging Overseas Filipino Worker (OFW) ay hinarap niya ang takot at pighati upang malamanan ang sikmura ng kaniyang mga supling.

Photo for Illustration

Unti-unti ring umayos ang buhay ni Michelle dahil sa kaniyang pagsisikap.

Kunng kaya naman ang dating haggard, problemado at lugmok sa buhay na itsura niya ay napalitan ng aliwalas at kakaibang ganda ngayong naka move on na siya!

Photo for Illustration

Kuwento ni Michelle, mahalaga ang naging parte ng kaniyang mga anak sa pagbangon sa kaniyang buhay.

Napilitan kasi siyang huwag sumuko dahil may mga batang umaasa sa kaniya at talagang tumaas ang kaniyang pangarap na mabigyan sila nang maayos na buhay dahil sa nangyari.

Photo for Illustration

Ngayon ay alam na niya ang halaga niya bilang babae at masayang-masaya siya dahil kahit minsan lang niyang makapiling ang kaniyang mga chikiting ay nakakakain at nakatutulog nang maayos ang mga ito sa kanilang sariling bahay mismo.

Umabot na sa halos 1.5 million engagements ang naturang post ni Michelle sa Facebook.

May natutunan ka ba sa kwentuhan nating ito? Ibahagi na ang iyong komento sa comment section sa ibaba!

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment