Isang OFW, na-block ng kaniyang malapit na kaibigan matapos hindi mabigay ang request na pasalubong nito nA Gucci Bag

Hindi biro ang magbanat ng buto upang may makain at maitustos sa pamilya. At kung mahirap na ang magbanat ng buto sa sariling bansa pa lang natin mismo ay paano pa kaya ang ating mga magigiting na Overseas Filipino Workers (OFW) na hinahamak ang lahat at hinaharap ang takot na mag isa para lamang may maipadala sa kanilang mga mahal na buhay?

Napaka bigat ng trabaho ng isang OFW lalo kung ikaw ay mamasukan bilang DH (Domestic Helper) Kaya naman sulit ang pagod at sakripisyo sa oras na makita mong unti-unting gumagaan ang buhay ng iyong pamilya sa Pilipinas.

Photo for Illustration

Ngunit karamihan sa atin ay hindi pa rin alam ang katotohanang ito at ang mas nakatatakot pa ay tila hindi nila alam ang lahat ng pinagdadaanan ng isang tipikal na empleyado upang maging karapat-dapat sa kanilang mga sweldo.

Isang OFW na nagngangalang Lynne Cherrie ang naglabas ng hinaing sa kaniyang Facebook account matapos siyang iblock ng kaniyang kaibigan dahil hindi niya napag bigyan ang hiling nito na bilhan siya ng original na Gucci bag bilang pasalubong.

Photo for Illustration

Photo for Illustration

Sa post, ipinakita ni Lynne na siya mismo ang nagkusang loob na alukin ang kaniyang kaibigan na mamili ng klase ng bag na gusto niyang pasalubong ngunit ikinagulat ng OFW ang sinabi ng kaniyang kaibigan.

Matigas itong nanindigan na maraming pera si Lynne at kaya siya nitong bilhan ng branded na bag.

Sa huli ay nagalit pa ito dahil bakas sa mga sagot ng OFW ang kaniyang pagka dismaya mula sa pagiging mapili at wala sa lugar ng kaibigan.

Ayon pa sa post ni Lynne ay nasasayangan siya sa halos walong taon nilang pagkakaibigan na masisira lang dahil sa pagiging gahaman niya.

Tila naman hindi nakaiintindi ng hirap ng buhay ang kaibigang ito ni Lynne at siya pa ang may lakas ng loob na iblock ang OFW dahil hindi siya napagbigyan sa kaniyang imposibleng hiling.

Photo for Illustration

Photo for Illustration

May natutunan ka ba sa kwentuhan nating ito? Ibahagi na ang iyong komento sa comment section sa ibaba!

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment