Isang OFW sa Japan si Ronel at matagal na siyang nagtatrabaho doon. Masakit man sa kaniyang loob ay mas pinili niyang malayo sa kaniyang minamahal na pamilya upang mabigyan sila ng magandang buhay.
Tatlong taon na ring nagtatrabaho si Ronel sa Japan. Nakapundar na sila ng bahay ng asawa niyang si Charlyn at malusog na malusong rin ang kanilang tatlong taong gulang na anak.
Ngunit sa di inaasahang pagkakataon ay biglang nabago ang buhay ni Ronel matapos may ipagtapat ni Charlyn ang kaniyang lihim na nagawa niya habang nasa kabilang dako ng mundo ang kaniyang asawa.
Ipinagtapat ni Charlyn na nagkaroon siya ng kalaguyo at hindi lang isa, dalawa pa!
Labis na gumuho ang mundo ni Ronel matapos niyang malaman na nakipag siping si Charlyn sa kanilang mga kapitbahay at nakita pa niya mismo ang video na ito.
Halos hindi nakakain at nakapag trabaho si Ronel matapos niyang malaman ang lahat ng iyon. Katwiran ni Charlyn ay nangulila lang siya kay Ronel.
Umabot ang kanilang isyu sa sikat na programang Raffy Tulfo in Action kung saan sinubukan nilang ayusin ang kanilang sigalot tungkol sa pera at sa kustodiya ng kanilang batang anak.
Nais ni Ronel na mapasailalim sa kaniyang paangangalaga ang kaniyang anak ngunit ang apela ni Charlyn ay kung puwede sanang ibigay niya ang bata sa oras na makauwi si Ronel ng Pilipinas. Ani niya, mas makabubuti na magkasama sila habang nasa malayo pa rin si Ronel.
Sa huli ay hiniling na lamang ni Ronel na makausap ang kanilang pastor upang magabayan sila nang husto sa kanilang mga gagawing desisyon lalo at para sa bata.
Ngunit nilinaw ni Ronel na kailanman ay hindi niya mapapatawad ang kataksilan ni Charyn at malabo na silang magkabalikan pa.
Panoorin ang video dito:
May natutunan ka bang aral mula sa istoryang ito? Ibahagi na ang iyong mga opinyon at komento sa comment section below!
0 comments:
Post a Comment