Ano nga ba ang pinakamahalagang parte ng kasal? Para sa iba, reception o di kaya’y honeymooon. Tila ang sermon ng pari at seremonya sa simbahan ay isang bagay lamang na dapat pagdaanan, pagkatapos ay pwede nang dumiretso sa mas masasayang kaganapan. Ngunit ipinakita ng paring ito kung gaano talaga kahalaga ang bahaging ito sa kasal.
Usap-usapan ngayon sa social media ang video na ito ng romantic wedding ng isang couple. Ibinahagi ni Jem Dela Cruz Espiritu ang parte ng kanyang pag-iisang dibdib kay John Rudolf Espiritu kung saan nagsesermon na ang kanilang officiating priest na si Rev. Fr. Joseph Fidel Roura.


Ngunit hindi lang ito basta-bastang sermon, dahil tagos sa puso ang mensaheng iniwan ni Fr. Roura. Karamihan sa mga pari ay nagfofocus sa mag-asawang ikakasal, ngunit para kay Fr. Roura, may mga tao din na dapat pagtuunan ng pansin: ang kanilang mga magulang.
Sa kanyang sermon, ibinahagi ni Fr. Roura ang kahalagahan ng kasal hindi lang para sa mag-asawa, kundi para sa kani-kanilang mga magulang. Hindi napigilang maging emosyonal ng tatay ng bride habang naririnig ang mga salitang binitiwan ni Fr. Roura.


“Kaya naman kahit sila’y masaya sa inyo, may kirot sa puso nila sapagkat ang kanilang anak nasa harap nila, pinapag-aral nila, binibigyan ng magandang bukas sa kabila ng hirap ng buhay, hindi pa sila nakakabawi, may asawa na. May sarili ng prayoridad ngayon.”
Dahil sa kanyang taos-pusong mensahe, mabilis na naging viral ngayon ang wedding video na ito sa Facebook. Mahigit 170k na ang shares nito, dahil talaga namang maraming netizens ang natuwa sa mensahe ng pari. Sana’y isapuso din ito hindi lang ng bagong-kasal, kundi pati na rin ng ibang tao.

Tunghayan ang buong pangyayari dito:
Sang-ayon rin ba kayo sa mensahe ng paring ito? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
0 comments:
Post a Comment