Meryll Soriano, Ibinunyag Kung Gaano Kayaman ang Tatay na si Willie Revillame

Isa si Willie Revillame sa itinanghal bilang pinakamayamang artista sa showbiz industry. Nagsimula siya sa mahirap na buhay, ngunit dahil sa kanyang sipag, diskarte, at talento, nagawa ni Willie na magkaroon ng maginhawang pamumuhay. Noong nagsisimula pa lamang, naging artista si Willie, hanggang sa maging ganap na game show host.

Dahil dito, hindi na nakakapagtaka kung bakit marami rin siyang naipundar. Bukod sa mga bahay, lupa, at kotse, marami ring negosyo at business collaboration ang 58-anyos na host. Sa katunayan, ayon sa mga reports noong 2018, tinatayang mahigit sa $25 million o Php 1.3 billion ang net worth ng “Wowowin” host!

Saksi ang kanyang anak na si Meryll Soriano sa yaman ng kanyang ama. Sa isang interview, inibunyag ni Meryll, na isa ring aktres, ang pinakamahal na bagay na binili ni Willie. Ayon sa kanya, bukod sa mga luxury cars ay ang sarili nitong eroplano ang pinakamahal na ari-arian ng host.

Bukod pa sa eroplano, mayroon ding chopper at luxury cars ang 58-anyos na host. Marami rin siyang properties sa iba’t-ibang lugar sa Pilipinas, tulad ng kanyang resthouse sa Tagaytay. Sa Quezon City naman ay siya ang may-ari ng Wil Tower, at business partner niya rito ang isa ring rich ex-senator na si Manny Villar.

Ayon pa kay Meryll, minsan ay sinubukan niyang hiramin ang pick-up car ng kanyang tatay. Ngunit imbes na ipahiram sa kanya, sinabihan daw siya ni Willie na makipagkita sa kanya, at sabay silang nagpunta sa sikat na car store at doon mismo ay binilihan ni Willie ng sasakyan ang kanyang anak!

Ngunit gayunpaman, hindi raw lumaking spoiled si Meryll. Sa katunayan, tinuruan rin siya ng kanyang ama sa kahalagahan ng pagsisikap at diskarte. Ngayon ay mayroon na siyang sariling business design firms, kahit na binibigyan siya ng kanyang tatay ng allowance.

Nagulat rin ba kayo sa taglay na kayamanan na ito ni Kuya Wil? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang latest updates, huwag kalimutang i-follow ang Daily Insights sa Facebook.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment