Kahit pa baguhan pa lamang sa showbiz, hindi alintana ng bente anyos na si Angeli Khang ang pagsabak sa mga sexy roles. Sa katunayan, ang biggest break nito sa kanyang career ay ang pagbida sa erotic film ni Law Fajardo na “Mahjong Nights.” Ipinalabas ito sa platform na Vivamax noong November 12.
Sa kanyang virtual interview, aminado ang Filipino-Korean actress na hindi sang-ayon ang mga magulang niya sa kanyang sexy roles. Conservative daw ang kanyang mga magulang, ngunit suportado naman ng kanyang manager ang paglaladlad ni Angeli para sa kanyang career.
Read More: Cristy Fermin, Hindi pa rin Tinatantanan si Jinkee: Pati Pantulog na Suot, Sinita!

Malaki rin daw ang pasasalamat niya dahil kahit first time niyanhg sumabak sa erotic movie na ito, nagtiwala sa kanya ang direktor. Ayon kay Angeli ay na-appreciate niya ang tiwala at suporta sa kanya ng buong casting crew.
“Talagang I worked hard para makamit yung expectations ng mga director and I’m thankful na nakamit ko naman yung mga expectations nila. I’m happy kasi kahit erotic siya, meron siyang pinagsimulan and meron siyang hugot na movie. Kaya it’s not all about that, meron siyang kinahulugan,” pahayag ng aktres.


Sa bagong pelikulang ito, ginampanan ni Angeli ang role ni Alexa. Siya ang anak ni Esther na laging nagpapalaro ng mahjong tuwing gabi sa kanyang mga kaibigan. Sa pelikulang, bukod sa kanyang mala-dyosang kagandahan ay ipinakita rin ni Angeli ang talento niya sa pag-arte.
“Sa Mahjong Nights talagang in-all out ko lahat. Naliligo pa lang, hubo’t hubad ako doon. Yung kung anong meron si direk Roman and direk Law, sobrang bait nila. They made sure that I’m comfortable with everything and they’re super hardworking. They made sure every artist was good, comfortable, and laging inaalagaan,” dagdag pa niya.
Read Also: Albie Casino, Iginiit na Milyones ang Nawala sa Kanya Dahil sa Paratang ni Andi

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment