Albie Casino, Iginiit na Milyones ang Nawala sa Kanya Dahil sa Paratang ni Andi

Kamakailan lang, usap-usapan sa social media ang pasabog na nilabas ng aktor na si Albie Casino tungkol kay Andi Eigenmann. Matatandaang naging ex-girlfriend ni Albie si Andi noon, at napagkamalan rin itong ama ng panganay ni Andi na si Ellie.

At dahil sa kontrobersyang ito, di umano’y nasira ang career ni Albie, lalo pa’t napatunayan rin na hindi siya ang ama ng ipinagbubuntis noon ni Andi.

Kahit pa mahigit isang dekada na ang nakalipas simula ng mangyari ito, hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakalimutan ni Albie ang atraso sa kanya ni Andi at ng pamilya nito.

Read More: “Naging klaro na sakin”- Kylie, Naiyak Matapos Tanungin ni Robin Kung Babalikan pa ba si Aljur

Bago pumutok ang paternity issue na ito, si Albie ang isa sa mga rising actors sa Kapamilya network. Ngunit dahil sa kontrobersya, nasira ang reputasyon ng aktor at unti-unti itong nawala sa limelight, bagay na hanggang ngayon ay pinanghihinayangan pa rin ng aktor.

Sa kanyang nagdaang interview, ibinahagi ni Albie na marami siyang naka-line up na proyekto noon. Ngunit nang masangkot siya sa kontrobersya ay nawala ang mga ito. Milyones rin daw ang aabutin ng mga kontratang nawala sa kanya nang dahil kay Andi.

“How about I lost a lot of millions of pesos worth of projects and endorsements from that? And it wasn’t just a P100,000 bro, it’s a million pesos worth of damages. That’s money that could have changed my family’s life. Money that could have changed my life, right? So how can I be okay with them?”

Pero nagpapasalamat pa rin daw si Albie sa mga taong sumuporta sa kanya at natulungan siyang bumangon para maging aktibo ulit sa showbiz.

Isa na rito ay ang pagpasok niya sa Pinoy Big Brother na naging life-chaging experience sa kanya. Doon niya nalaman na marami pa rin daw fans na handang sumuporta sa mga gagawin niyang mga proyekto.

Read Also: “Hindi ka nga gusto ng boyfriend ko!”- Barbie Imperial, Tinawag na Kabit si AJ Raval!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment