Muli na namang umarangkada sa social media ang viral na patutsadang ito ni Cristy Fermin. Si Fermin ay isang radio broadcaster at batikang showbiz columnist. Kilala ito sa kanyang mga palabang statement at komentaryo sa mga sikat na personalidad sa showbiz. Kabilang na sa nakatikim ng statement ni Fermin ay si Jinkee Pacquiao.
Matatandaang dati na ring pinuna ni Fermin ang misis ni Senator Manny Pacquiao dahil sa di umano’y pagpopost nito ng mga mamahaling gamit sa social media sa kalagitnaan ng pandemic. At mukhang hindi pa dito natatapos ang patutsada ni Fermin laban kay Jinkee.

Read More: “Naging klaro na sakin”- Kylie, Naiyak Matapos Tanungin ni Robin Kung Babalikan pa ba si Aljur
Kamakailan lang, mulina namang nagig topic sa radio program ni Fermin na “Take it Ferminute” si Jinkee. Ikinumpara nito si Jinkee sa aktres na si Heart Evangelista. Ayon kay Cristy, si Jinkee ay madalas nagyayabang ng kanyang mamahaling gamit sa social media.
“Naninibago lang po tayo kay Jinkee Pacquiao kasi alam naman po natin na kahit na bulaklak ng mga halaman dati wala naman siyang mga hikaw. Tapos biglang ganyan na po siya ngayon, na ipinangangalandakan na niya sa buong mundo ang kanyang mga ari-arian, diba tinutotal yung mga suot niya, dagdag pa ni Fermin.


Ayon pa sa batikang kolumnista, maging ang mga pantulog na suot ni Jinkee na designer brands ay ibinabalandra nito sa social media.
“Kamakailan lang meron naman tinotal, yung pantulog niya na Louis Vuitton, tsinelas nyang Chanel, grabe. Matutulog ka na lang sasabihin mo pa naka Louis Vuitton na tinelas ka, Chanel ang pantulog mo. Di ba? Matulog ka na lang sana agad, huwag mo na ipagmalaki pa ang mga suot mo.”
Sa kabilang banda, hindi naman sinagot ni Jinkee ang mga pahayag na ito.
Read Also: “Hindi ka nga gusto ng boyfriend ko!”- Barbie Imperial, Tinawag na Kabit si AJ Raval!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment