Maliit na Piraso ng Plastik, Natagpuan sa Loob ng Baga ng Ginang na Ito! Paano ito Nangyari?

Naranasan mo na rin bang magbukas ng plastic packaging gamit ang iyong bibig? Karamihan sa atin ay nakasanayan na ang bagay na ito. Kung wala gunting, kadalasan ay ginagamit natin ang ating bibig upang kagatin at mabuksan ang plastik. Gaya na lamang ng mga chichirya, biscuit, o kahit toothpaste at shampoo man.

Di hamak na mas madali nga ito kumpara sa pagkuha ng gunting o kutsilyo upang mabuksan ang balot. Ngunit alam niyo ba na may panganib pa lang dala ang simpleng gawain na ito?

Sino nga bang mag-aakala na ang simpleng pagbubukas ng balot gamit ang ating ngipin ay maaari palang magdala ng peligro.

Read More: Barbie Imperial, Mataray na Pinangaralan si AJ Raval Matapos Itong Mag-Sorry sa Kanya

Kamakailan lang, isang netizen ang nagbahagi ng kanyang nakakatakot na karanasan. Sa Facebook ay ibinahagi ni Joy Diaz Austero na naospital ang kanyang ina matapos magbukas ng biscuit gamit ang kanyang bibig. Habang kagat kagat nito ang plastic, di inaasahang nalunok niya ang maliit na bahagi nito.

Ayon kay Joy, noong mga oras na iyon ay nagbukas ng isang balot ng Skyflakes ang kanyang ina. Ngunit aksidente niya itong nalunok.

Pinilit niyang iluwa ito, at sinubukan pa ng nanay ni Joy na isuka ang plastik, ngunit sa kasamaang palad ay hindi na niya ito mailabas pa.

Nahirapan rin siyang huminga, at hindi matigil ang pag-ubo nito. Dahil dito ay nag-desisyon ang pamilya na ipatingin na siya sa doktor. Agad naman siyang nagpa-diagnose sa isang Eyes, Ears, Nose, and Throat (EENT) doktor upang mabigyan ng agarang lunas ang kondisyon ng nanay ni Joy.

Matapos ang ilang araw na paghihintay at isang procedure, sa wakas ay natanggal ng mga doktor ang maliit na piraso ng plastik. Umabot na ito sa kanang bahagi ng baga niya!

Dahil dito, nahirapan siyang makahinga. Tumaas rin ang kanyang blood pressure, at bumaba ang potassium level niya.

Mabuti na lamang at naagapan ito, at unti-unti na ring nanumbalik ang lakas ng nanay ni Joy. Nagbabala rin sila sa ibang netizens na maging maingat sa pagbubukas ng mga balot gamit ang kanilang bibig, sa halip ay mas maiging gumamit ng gunting.

Read Also: Dra. Belo, Ibinahagi ang Mapait na Karanasan Kung Bakit Ayaw Niyang Nagse-Celebrate ng Birthday

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment