Maraming pamilya ang naapektuhan ng COVID-19 pandemic sa Pilipinas. Mayaman man o mahirap, lahat ay apektado ng hindi inaasahang balakid na ito. Maging ang mga nakakaluwag sa buhay ay may mga kinaharap ring pagsubok, at kabilang na sa kanila ang aktres na si Loisa Andalio. Sa kanyang nagdaang interview, ibinahagi ni Loisa ang pagsubok na hinarap ng kanilang pamilya.
Ilang buwan matapos magsimula ang pandemya ay nagsara naman ang home network ni Loisa na ABS-CBN. Dahil dito, mas lalo siyang nahirapan na maghanap ng pagkakakitaan.
Bilang breadwinner ng kanyang pamilya, siya lamang ang inaasahan ng mga ito na magtaguyod sa kanila lalo pa’t nasa kalagitnaan sila ng krisis.


Read More: Ogie Diaz, Pinagsabihan si Andrea Brillantes sa ‘Plastik’ na Pahayag Nito Tungkol sa Showbiz
Sa kanyang interview sa “Magandang Buhay,” inamin ni Loisa na hindi siya handa sa pandemic at pagsasara ng ABS-CBN. May kanya kanya na rin daw buhay ang kanyang mga kapatid, at ang kinikita ng mga ito ay sapat lang para sa kanilang pamilya. Sa kabila nito, patuloy pa rin siyang lumalaban.
“Sakin yung pinaka challenge talaga yung walang work. Kumabaga parang ikaw yung inaasahan ng family mo. Kasi kumbaga ikaw yung may pinaka okay na trabaho non eh, tapos biglang nawala. Tapos sila din naman, hindi naman ganoon talaga. Yung sinusweldo ng mga kuya ko, tama lang naman sa mga anak nila. So mahirap, sobrang mahirap,” pahayag ni Loisa.


Hindi niya mapigilang maging emosyonal habang inaalala kung gaano kahirap walang trabaho. Ngunit kahit pa ganito ang kanyang sitwasyon, pinipilit niya pa ring maging positibo para sa kanyang pamilya. Ayaw niyang mawalan sila ng pag-asa, lalo pa’t siya na lamang ang inaasahan ng mga ito.
“Parang ayaw namin sila din ‘yung mag-alala din. Ayaw namin silang matakot. Kumbaga, hindi din namin pinapakita. Baka malaman nila, ‘Ay, may ganyan pala si Loisa.’ Kumbaga, hirap. Pero mas pinapakita ko sa family ko, ‘Wala ito, okay lang ito. Okay lang wala akong trabaho, huwag niyong isipin.’ Pero deep inside, hindi okay, e.”
Kabilang si Loisa sa mahigit 5,000 workers na nawalan ng trabaho matapos magsara ang ABS-CBN noong May 19, 2020.

Read more: “Diet talaga ako, nagbawas ako sa carbs!”- Jane de Leon, Naiyak Matapos Sukatin ang Costume ni Darna
Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment