"Nakakaawa ka"- Barbie Imperial, May Sagot sa mga Paninira ni Xian Gaza

Mas lalong tumitindi ang iringan sa pagitan ni Barbie Imperial at AJ Raval. Matatandaang noong nakaraan lamang ay isiniwalat ni Xian Gaza na di umano’y nililigawan ng boyfriend ni Barbie na si Diego Loyzaga si AJ Raval. Ayon pa kay Xian, pinuntahan pa mismo ni Diego si AJ sa kanilang bahay kahit pa hinihintay siya ni Barbie sa Manila.

Dahil dito, di umano’y nagkaroon ng matinding komprontasyon si Barbie at Diego sa isang kilalang hotel. Ayon kay Xian Gaza, saksi ang mga staff ng Escala Hotel sa Tagaytay sa matinding away ng dalawa, na naging sanhi pa daw ng mga pasa ni Barbie sa katawan.

Read More: “Naging klaro na sakin”- Kylie, Naiyak Matapos Tanungin ni Robin Kung Babalikan pa ba si Aljur

Ayon kay Barbie, noong pumutok ang isyu tungkol sa di umano’y lamat sa relasyon nila ni Diego, hindi ni mapigilang mapatanong.

Hindi rin daw nila alam kung ano ang pakay ni Xian Gaza sa pagpapalaganap ng fake news sa social media tungkol sa kanilang personal na relasyon.

“Sa amin ni Diego, parang hindi kami affected. Bakit ganoon siya? Bakit siya ganito? Bakit niya kami sinisira? Pero na-realize namin na masaya kami eh, so sisirain talaga. Kapag merong insecure na tao, sisirain talaga. Ang walang katotohanan kahit isa doon sa sinabi nung tao na yon.”

Dagdag pa ni Barbie, imbes na mainis ay naaawa siya kay Xian Gaza. Maaaring naninira daw ito ng buhay ng iba dahil malungkot ang sariling buhay nito. Dagdag pa ni Barbie, kahit anong dagok ang dumating sa kanila ay haharapin nila itong magkasama ni Diego.

“Nakita ko na sobrang kawawa nung tao na ‘yun na naninira sa amin kasi ganun pala ‘yung nangyayari kapag sobrang lungkot mo sa buhay mo. Parang magta-try kang manira ng relasyon ng iba para maging masaya ka. Pero ‘yung totoo, sorry, pero hindi ka nakakatawa. Nakakaawa ka,” matapang na sabi ni Barbie.

Read Also: “Hindi ka nga gusto ng boyfriend ko!”- Barbie Imperial, Tinawag na Kabit si AJ Raval!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment