Mukhang tuluyan nang naayos ang gusot sa pagitan ni Barbie Imperial at AJ Raval. Sa kanyang nakaraang interview, ibinunyag ni Barbie na nag-sorry na sa kanya ang Viva actress.
Ito’y matapos ma-link si AJ sa kasalukuyang boyfriend ni Barbie na si Diego Loyzaga. Ayon kay Barbie, tinanggap niya naman ang pagso-sorry nito.
Nag-message lang daw ito sa kanya sa Viber upang humingi ng tawad dahil sa isyung kinasangkutan nila ni Diego. Hindi naman idinetalye ni Barbie ang laman ng apology ni AJ, ngunit pinangaralan nioya rin daw ito.
Read Also: Sikat na Singer, Tatlong Buwang Buntis na nga ba sa Kanyang Non-Showbiz Boyfriend?


“Nag-message siya sa akin, nag sorry siya. Oo nag-message nga siya siguro 4 days ago, Actually unsent nga niya ‘yung message niya sa Viber eh. Di ba makikita naman pag ganun, ako na ang nag-message, sabi ko, ‘O, AJ?’ Tapos yun nga, nag-sorry tapos pinangaralan ko,” pahayag ni Barbie sa kanyang interview.
Pinayuhan rin si Barbie ng mga miyembro ng press kung sakaling mahaharap siya sa parehong senaryo sa hinaharap.
Ayon sa mga batikang press members, mas mainam na dedmahin na lang ni Barbie ang mga ganitong klaseng isyu, lalo pa’t kung wala naman itong kongkretong basehan.
Matatandaang si Xian Gaza ang nagpasimula ng isyung ito. Ayon kay Xian, personal na binibisita ni Diego si AJ sa bahay nito sa Pampanga.
May source din di umano si Xian na magpapatunay na pinag-awayan ito ni Barbie at Diego sa kanilang hotel room sa Tagaytay.


Ayon naman kay Barbie,noong una’y hindi niya mapigilang mainis sa pagkakalat ng maling balita ni Xian Gaza.
Nakarating din daw sa kanya na magkaibigan si Xian at AJ, kaya naman hindi na nakapagtataka kung bakit tila gustong gusto ni AJ Raval na lagi siyang pinag-uusapan sa social media.
“Hinayaan ko na lang po yun, kasi content niya po yon eh. Wala po tayong magagawa. Trabaho niya pong manira ng tao dahil trabaho niya pong gumawa ng kwento. Wala po tayong magagawa, hahayaan ko na lang din po,” dagdag pa ni Barbie.
Read Also: Magandang Aktres, Aminadong Naghirap Ngayong Pandemic Matapos Mawalan ng Trabaho

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment