Anak ng Grab Driver na Binuhusan ng Mainit na Sabaw ng Customer, Naglabas ng Sama ng Loob!

Hindi madali ang buhay ng mga delivery riders. Araw araw silang sumasabak sa daan at byahe para lamang makapaghanapbuhay. Ngunit sa kasamaang palad, hindi lahat ng customers ay naa-appreciate ang sakripisyo at paghihirap ng mga delivery riders. Sa katunayan, may mga customers na hindi iniintindi ang kalagayan ng mga riders at pinapahiya pa ang mga ito.

Kamakailan lang, nag-viral sa social media ang nakakalungkot na kwento ng Grab driver na ito. Ibinahagi ng anak niya ang dinanas ng matandang Grab driver mula sa demanding na customer nito.

Ang masaklap pa dito, bukod sa mga natanggap niyang masasakit na salita ay binuhusan pa siya ng mainit na sabaw ng customer!

Read More: Magandang Aktres, Aminadong Naghirap Ngayong Pandemic Matapos Mawalan ng Trabaho

Ayon sa anak ng delivery rider, araw araw ay matyagang bumabyahe ang ama niya para makapag-deliver ng pagkain sa kanyang mga customers.

Halos hindi na rin daw ito makakain ng maayos dahil sa kanyang trabaho. Ngunit isang araw, hindi nila inaasahan na uuwi ang kanilang ama na basang-basa matapos buhusan ng sabaw ng customer nito.

Kwento niya, nagalit daw ang customer matapos ma-delay ang order niya sa isang Korean restaurant. Ipinaliwanag niya sa customer na matatagalan ang order dahil sa restaurant, ngunit imbes na intindihin siya ay mas lalo daw itong nagalit at nagwala.

“Nobody knew he had been driving for 12 hours straight, every single day for the past year. His usual routine includes his simple breakfast at 5:30 a.m., followed by lunch at 8 p.m. The pain in his back amd the hunger in his stomach were nothing to the worries in his mind: ‘Will I make enough deliveries today to cover the bills?'”

Nanawagan naman ang anak ng Grab driver sa mga customers na intindihin ang kalagayan ng mga delivery riders. Ayon sa kanya, tao rin ang mga ito na naghahanapbuhay lamang.

Sa panahon ngayon, mas magandang magpakita ng kabutihang loob sa ating kapwa.

Read Also: Pitong Tao, Binawian ng Buhay Matapos Kumain ng Noodles na Isang Taon na Naka-Imbak!

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment